Calendar
Japan PM Kishida bibista sa bansa
BIBISITA sa Pilipinas si Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Nobyembre 3 at 4, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
“President Ferdinand R. Marcos Jr. will officially welcome Japanese Prime Minister Fumio Kishida during the ceremonies at the Malacañan Palace on 03 November 2023,” sabi ng DFA sa isang pahayag.
“The two leaders will hold a bilateral meeting to discuss areas of mutual concern such as political, security, economic and development cooperation, as well as people-to-people ties,” sabi pa sa pahayag.
Inaasahan ang pagpapalitan ng pananaw ng dalawang lider ng bansa sa iba’t ibang isyu at pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas at Japan.
Matatandaan na noong Pebrero 2023 ay bumisita si Pangulong Marcos sa Japan kung saan nakakuha ito ng $13 bilyong halaga ng kasunduan na inaasahang lilikha ng mga trabaho para sa mga Pilipino.