Imee Marcos

MGA SENADOR, NABULABOG SA MATINDING PAGSABOG SA MARAWI. HINAMON ANG MGA AWTORIDAD SA KANILANG AGARAN AKSYON

110 Views

SABAY SABAY na kinondena ng mga senador ang pagsabog na naganap ngayong araw ng Linggo, Disyembre 3, 2023, na kumitil sa buhay na labing isang katao samantalang maraming sugatan ang napaulat sa isang misang ginanap sa gym ng isang Unibersidad sa Siyudad ng Marawi pasado alas 7 ng umaga.

Ayon kay Senadora Imee Marcos, nararapat lamang kondenahin ang ganitong uri ng terrorist act at hindi umano dapat palagpasin ang mga taong nasa likod nito.

Iminungkahi din ni Marcos na agaran tulungan ang lahat ng mga pamilya ng nasawi at iba pang mga sugatan sa pangyayari at sabayang hiningi niya ang tulong ng mga awtoridad para madakip ang nasa sa likod ng karumal dumal na krimen na ito.

“The historic injustice of Mindanao cannot be allowed to persist, nor should the horrific siege of Marawi ever be repeated,” giit ni Senadora Marcos.

Sinabi naman ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na lubhang nakababahala na nangyari ang insidente na maituturin sanang ligtas na lugar dahil ito ay isang eskwelahan at puro mag aaral, titser at maliit na komunidad lamang ang nasasakop nito ngunit dito pa isinagawa ang karumaldumal na pagpapasabog na ikinamatay na maraming inosente.

“We condemn in the strongest possible terms the bombing at the Mindanao State University in Marawi City leaving people dead and injured. We are one with the nation in praying for the victims of this senseless act and for their families and loved ones during this difficult time,” ani Villanueva.

Nanawagan din si Villanueva sa mga kapulisan, at iba pang awtoridad tulad ng National Bureau of Investigation at Bangsamoro Government upang agaran bigyan ito ng kaukulan aksyon para mabigyan ng hustisya ang mga biktima nito.

Ayon naman kay Senadora Nancy Binay nararapat lamang magsanib pwersa ang Philippine National Police at ang Armed Forces of the Philippines upang pag igihin ang intelligence efforts laban sa mga terrorista.

“We are all for peace in Mindanao, and we will not be cowed by threats or terror. I am one with the Filipino people in condemning the attack and bombing of innocent civilians during a religious service inside the MSU gymnasium in Marawi,” pahayag ni Binay.

Sinabi naman ni Senador Joseph Victor Ejercito Estrada na dapat lamang kondenahin ng husto ang terrorismo ginawa ng mga ito sa ating mga kababayan kung saan ay hinamon niya ang lahat ng sangay ng gobyerno na busisiin ang mga pwersa at grupong nasa likod ng karumaldumal na gawain ito.

Para naman kay Senate President Juan Miguel Zubiri, sobrang nakakagalit ang ganitong gawain kung saan ay sinabi niyang mga walang puso at kaluluwa ang sinuman nasa sa likod ng nasabing insidente.

Sinabi ni Zubiri na lubhang nakaaalarma ang ganitong pangyayari at hindi aniya dapat ipag walang bahala lamang ng gobyerno ang terrorismong naganap lalo pa at sa simbahan mismo ng Katoliko isinagawa ang ganitong pangyayari.

Isang panawagan namang ang ginawa ni Senador Allan Peter Cayetano kung saan ay hiningi niya ang pagkakaisa ng mga Pilipino upang kondenahin ang Marawi explosion.

“As a nation, it is imperative that we stand united against such acts of terror and work tirelessly to ensure the safety and security of our communities and educational institutions. I condemn in the strongest terms the heinous and senseless act of bombing that targeted the Dimaporo Gymnasium at the Mindanao State University. There is absolutely no space or justification for these kinds of violence in civilized society,” ani Cayetano.

Para kay Senadora Grace Poe isang malaking hamon ito para sa lahat ng awtoridad upang matukoy at maparusahan ang sinuman nasa sa likod ng nasabing insidente. Hiningi ni Poe na maging mapagbantay ang mga residente lalo sa mga hindi normal na kilos ng mga taong hindi kilala sa naturang lugar para maiwasan maulit ang ganitong bagay.

“Our thoughts are with the victims and families of those killed and injured in this horrific attack. We stand with the Marawi people in condemning violence and preserving our hard-won feats toward peace and development in the region,” hayag ni Poe.

Sinabi naman ni Senador Robinhood Padilla na nakababahala ang ganitong pangyayari lalo pa at ginawang sakripisyo ang mga kapatid na katoliko sa Panahon ng pagsisimba kung saan ay nagpahatid din ito ng matinding pakikiramay sa pamilya ng mga biktima.

“A vile crime occurred while our Catholic brethren were attending Mass. Along with my family and my Senate office, I extend my condolences to the families of those who died, and my sympathies to those who were wounded.

Isang karumaldumal na krimen ang naganap habang nagsisimba ang mga Kapatid na Katoliko. Nakikiramay at nakikidalamhati po ang aking buong pamilya at opisina sa pamilya ng mga nasawi at nasugatan,” ani Padilla.