Frasco

Matagumpay na paglulunsad ng SMB sa Cebu City pinuri ni House Deputy Speaker Duke Frasco

Mar Rodriguez Dec 4, 2023
139 Views

Frasco1Frasco2Frasco3Frasco4Frasco5Frasco6Frasco7PINURI ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang matagumpay na “Sugbo Mercadong Barato (SMB) program sa Cebu City na pinangunahan ni Governor Gwendolyn “Gwen” Garcia sa layuning maibaba ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sinabi ni Frasco na kahanga-hanga ang naging tagumpay ng SMB sa pangunguna ni Governor Gwen Garcia sapagkat ang iniisip nito ay ang kapakanan at kagalingan o “welfare” ng mga Cebuano sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang program ana nagpapababa sa presyo ng mga basic commodities.

Ipinaliwanag din ni Frasco na ang nasabing programa ay bilang tugon narin sa kalunos-lunos na kalagayan plight ng ilan sa kanilang mga kababayan na nakakaranas ng matinding kagutuman at karukhaan o “poverty at hunger” bunsod ng nararamdamang krisis sa bansa.

Binigyang diin ng kongresista na ang SMB program ay isang hakbang bilang suporta sa aspiration ni President Ferdinand “Bongbong” R, Marcos, Jr. upang matiyak na mayroong “food security” ang bawat Pilipino o may pagkaing pagsasaluhan ang mga mamamayan.

“We are lauding the program of Governor Gwen Garcia. This program that puts the welfare of our fellow Cebuanos front and center. And benefits the most vulnerable of our population so no Cebuano should have to suffer the plight of poverty and hunger. SMB is in full support of the aspirations of our President Bongbong Marcos, Jr. to ensure food security to all Filipinos,” ayon kay Frasco.

Kinilala din ni Frasco ang pagmamalasakit ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez sa Kamara de Representantes sa ilalim ng 19th Congress sa pamamagitan ng pagbibigay nito ng suporta sa mga priority ni Pangulong Marcos, Jr. sa larangan ng food and security.

“Ensuring food security among the population lifts up Filipino families and communities from poverty and builds their resilience against economic shock and stresses. A well-nourished population is a productive population. Therefore, not only does this program addresses food security in the short term, it also assures economic security and stability for the long term,” sabi pa ni Frasco.