Belmonte ipinag-utos na buwagin Task Force Disiplina
Oct 13, 2026
SOTTO LIGTAS SA CONTEMPT SA DESISYON NI LEONEN
Oct 13, 2026
Calendar
Provincial
1 magsasaka utas sa pakikipagtalo
Bernard Galang
Apr 12, 2025
547
Views
PATAY ang magsasaka na binaril noong Biyernes matapos makipagtalo sa suspek sa Nueva Ecija.
Ang biktima nakilalang si alyaa Jose, 46, habang ang suspek si alyas Bobot, ayon sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen Jean Fajardo.
Nakipagtalo ang suspek sa pamilya ng biktima tungkol sa paghagis ng bato sa bahay ng biktima.
Habang nagtatalo bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ng tatlong beses ang biktima na tinamaan sa dibdib.
Sinubukan ding barilin ang kapatid ng biktima ngunit hindi pumutok ang baril kaya tumakas ang suspek kasama ang isang alyas CJ sakay ng tricycle patungo sa Brgy. Lambakin, Jaen, Nueva Ecija.
Isinugod sa ospital ang biktima kung saan siya idineklarang dead-on-arrival.
Crime incidents sa CL bumaba ng 14.6%
Oct 12, 2026
