Calendar
Act Agri-Kaagapay Organization itinatag ni Ms. Rodriguez
DAHIL sa hangarin na makatulong sa mas maraming mahihirap na Pilipino kaya itinatag ng negosyante, philantropist at dating reporter na si Ms. Virginia Ledesma Rodriguez ang Act Agri
Kaagapay Organization. Ang Act Agri-Kaagapay ay isang non-stock, non-profit organization na ang layunin ay mag-provide ng welfare development programs sa mga most disadvantaged individuals and families sa bansa.
Nagsimula ang operation ng Act Agri Kaagapay noong nakalipas na taon sa San Nicolas, Binondo, Maynila hanggang umabot ang serbisyo nito sa iba’t-ibang panig ng Metro Manila hanggang sa Visayas at Mindanao.
Si Ms.Rodriguez ay author ng librong “Leave Nobody Hungry.” Ngayon ay ginagamit na reference ng mga agricultural student at mga magsasakang ang kanyang mga “inputs” hinggil sa pagpapalaganap ng organic farming sa bansa. Ani Ms.Rodriguez, sa panahon ngayon ng mga makabagong teknolohiya, gadgets, social media at mabilis na takbo ng panahon ay maaaring mabago ang buhay ng bawat isang Pilipino.
“Time really flies so fast. Another year end and a new year comes. It seems it was just like yesterday, and here, we are welcoming the year 2024. Looking back to all that has happened in 2023, we still have the same issues in life, particularly on how the Philippines struggles to fight food security and high prices in basic commodities especially in the agricultural sector,” pahayag ni Ms.Rodriguez.
Pahayag pa ni Ms. Rodriguez, ang nasabing mga pagsubok ang siyang nag udyok sa kanya para itatag ang organization na mag-focus sa pagtulong sa “troubled sector” lalo na sa milyun-milyong magsasaka sa bansa.
“Act Agri Kaagapay organization is not only a mere agricultural organization, but an organization with heart driven by a sincere goal to achieve real success in farming through different best practices and modern technology around the world” pahayag pa ni Ms. Rodriguez.
“Soon, our country will no longer be affected by the food crisis once we unite to fight “poverty and hunger” by combining our experiences, knowledge, best practices, technology and development in agricultural areas,” pagtatapos pa niya.