Patricia Yvonne Caunan

Kalagayan ng 18 PH seafarers sa Iran custory maayos kalagayan

Chona Yu Jan 13, 2024
135 Views

TINIYAK ng pamahalaan ng Pilipinas na nasa maayos na kalagayan ang 18 Filipino seafarers sakay ng isang American tanker na St. Nicolas na kinumpiska ng Iran sa baybayin ng Oman.

Ayon sa ulat ng Presidential Communications Office, sinabi ni Migrant Workers Undersecretary Patricia Yvonne Caunan, nakikipag-ugnayan na ang Pilipinas sa Iran.

“Well, officially po of course ang Department of Foreign Affairs iyong lead dito, nakikipag-ugnayan tayo. Ang Department po ay naka-focus doon sa pakikipag-ugnayan sa pamilya po nitong ating mga kababayan,” pahayag ni Caunan.

“Sa ngayon naman po, maganda naman po ang update dito, nasa maganda silang kalagayan at patuloy po ang DMW na makipag-ugnayan sa DFA para i-monitor iyong kanilang sitwasyon,” dagdag ng opisyal.

Inaayos na aniya ng Pilipinas ang pagpapalaya sa mga Filipino seafarers.

Kinuha ng Iran ang tanker na may kargang Iraqi crude bilang ganti sa pagkuha ng Amerika.

“Ang maganda pong nangyari dito doon sa pakikipag-ugnayan—I hope you understand na hindi ko lang po sana masabi iyong mga detalye but what I can say po is that we we’re informed that our seafarers are nasa magandang kondisyon po,” pahayag ni Caunan.

“Patuloy po iyong negosasyon at ang DFA po ang nasa lead po rito. Kami po ay umaasa na, very soon po ay may magandang development dito po na mangyari,” dagdag ni Caunan.