Calendar
Solons sa ilang senador: Pare-parehas lang tayong mga Pinoy
HINDI nagustuhan ng mga kongresista ang pahiwatig ng ilang mga senador na mas mataas ang mga ito kaysa sa kanila.
Sa isang press briefing, tinanong ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. ang kasama nitong si House Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez, “May nakasaad ba sa Konstitusyon na Upper House at Lower House?”
Sagot ni Suarez, “Wala.”
“Meaning to say parehas lang tayo. Baka sasabihin natin Lower House at Slower House. Hindi ko alam, pero wala akong sinasabing ganun, sinasabi lang sa labas yun. Pero sa Constitution walang lower house at upper house,” sabi ni Gonzales.
Si Sen. Joel Villanueva ang isa sa mga senador na bumanat at mistulang nangmaliit sa mga kongresista.
Nang mapag-usapan ang kabagalan, ikinuwento ni Suarez ang naging pahayag ng isang senador tungkol sa pagpasa ng Resolution of Both Houses No. 6, na naglalayong amyendahan ang Konstitusyon sa pamamagitan ng Constituent Assembly.
“Sabi niya baka isang taon. Diyos ko po Rudy, isang taon pa! Do you understand my dear friends in media, baka isang taon pa? Number 8 na tayo sa kahulihan in Southeast Asia. Number 2 tayo sa baba. I mean what do you want to do with our country? Are we gonna focus on what’s trending on social media—on Facebook, Twitter, are we gonna focus YouTube and Instagram—or are we going to talk about issues that we need to talk about as public servants?,” ani Suarez.
Iginiit ni Suarez na pantay lang ang mga senador at kongresista.
“Kahit senador sila at congressman kami, pare-parehas lang naman po kami. Wag naman nyo kaming sasabihan na nationally elected (kayo), kami distrito lang kayo, party list lang kayo mas marami ang boto naming kesa sa inyo, apples and oranges. Excuse me ha, bakit pag dating ng kampanyahan sa amin naman kayo lumalapit at humihingi ng tulong ah. Kaso pag nanalo na kayo iba na ang levels natin? Pare-parehas lang tayong Pilipino, pare-parehas lang tayong anak ng Diyos. Dapat respetuhan lang tayo sa isat-isa,” punto ni Suarez.