Bong Si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kasama si Sen. Ramon Bong Revilla Jr. sa Palasyo. Source: Ramong Bong Revilla Jr. FB

Di pagkakaintindihan inaasahang magkakaroon ng katapusan

115 Views

LUBOS na umaasa si Sen. Ramon Bong Revilla Jr. na magkakaroon na ng katapusan ang anuman deadlock at hindi pagkakaintindihan ng dalawang Kamara matapos silang ipatawag mismo ng Pangulong Marcos jr. sa Malakanyang ngayong umaga, Feb. 26, 2024

Sa isang press conference, sinabi ni Sen. Revilla, miyembro ng Lakas-CMD, na malaki ang kaniyang paniniwala na magkakaroon na ng solusyon at pagkakaunawaan ang dalawang Kamara.

Dinagdag niyang ito na ang tamang panahon para magkamay at magtulungan silang mga mambabatas para sa kapakanan ng maraming Pilipino.

“Tama na ang bangayan. Walang pupuntahan ang bangayan. Marami akong kaibigan sa lower house at hindi magbabago yun,” ani Revilla na nagsabing malaking tulong ang ginawang paghingi ng punong ehekutibo ng tulong sa dalawang kongreso na isantabi ang kanilang emosyon at tingnan kung paano matutulungan ang ating mga kababayan.

“Malaking bagay na pinatawag kami ng Pangulong Marcos Jr.. Yung impasse sa both houses has already affected some proposed measures and it is not healthy para sa atin lahat,” paliwanag ni Revilla.

Sa isang ambush interview, sinabi naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri na mismong ang Pangulo ang nagsabing ang Senado ang siyang mamumuno sa pag-amyenda ng 1987 Constitution.

Ani Zubiri tinatanya niya na matatapos nila ang lahat ng dapat pag-aralan sa RBH no.6, sa ilalim ng version ng Senado sa tamang panahon na pwedeng aniyang mangyari bago ang Lenten break kung saan ay mag be break din aniya ang dalawang kapulungan ng sine die o magkasabay.

“We had a very nice meeting with President Marcos Jr. Labindalawa kaming senador na nanduon. The President is concerned on how we are getting along. Everything is good and cordial. Mas gusto ng Presidente na magkaroong ng plebisito sabay sa halalan ng 2025. So he asked Sen. Angara to see this possiblility. Sa back part ng balot ilalagay ito kasabay ng eleksyon. The President will approve the resolution before Congress will take its break sine die. Hindi pa siguro ito matatapos ng March but the body of the Senate will take up the matter pag nakapag decide na,” pagkaklaro ni Zubiri.

Si Senators Juan Edgardo Sonny Angara at Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang siyang may akda ng RBH no. 6.

Ang mga nakatakdang amyendahan ng dalawang kapulungan ang ay ilan economic probisyon ng 1987 tulad ng Articles 12 Section 11 na may kasalukuyang 60-40 ownership ng franchise; 14 Section 4 na 60-40 ownership of educational institutions; at ang 16 Section 11 na may 70-30 ownership sa advertising industry.