ACT2 Pinangunahan ni Mataas Na Kahoy Municipal Mayor Janet Ilagan at civic leader at ACT- Agri-Kaagapay, President Virginia Rodriguez ang distribusyon ng may 500 bags ng bigas at 300 sako ng pataba sa mga pamilya at mga magsasaka sa Batangas upang matiyak na mayroong sapat na suplay ng pagkain ang mga mahihirap na pamilya doon.

Mga Batangueno nakatanggap ng bigas, pataba mula sa ACT-Agri Kaagapay

171 Views

Bilang pakikiisa sa Women’s Month

NAMAHAGI ang ACT-Agri-kaagapay organization ng daan-daang sako ng de kalidad ng bigas at mga pataba sa mahihirap na residente sa lalawigan ng Batangas.

Mismong sina Mataas Na Kahoy Municipal Mayor Janet Ilagan at civic leader at ACT- Agri-Kaagapay, President Virginia Rodriguez ang nanguna sa distribusyon ng may 500 bags ng bigas at 300 sako ng pataba sa mga pamilya at mga magsasaka sa lalawigan upang matiyak na mayroong sapat na suplay ng pagkain ang mga mahihirap na pamilya doon.

Ayon kay Rodriguez, ang rice assistance program ng ACT-Agri-Kaagapay at distribusyon ng pataba ay nabuo bunsod ng tumataas na presyo ng bigas at mga hamong kinakaharap ng mga consumers, dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga basic commodities.

“We aspire to bring to many Filipino people, through our joint programs with the local government units to reach to the less fortunate families who may not have the means to avail of these benefits,” aniya.

Tinukoy rin ni Rodriguez na ang mga rice farming households ay kabilang sa mga hindi nakakakuha ng anumang cash assistance.

“Although agricultural production was among the biggest affected sectors by el Nino, earnings from rice farming are so poor that many rural families also rely on various odd-jobs in the informal sector which have been adversely affected,” aniya.

Giit ni Rodriguez, ang mga maliliit na magsasaka at kanilang pamilya ay nararapat ring mabigyan ng tulong upang matulungang maging produktibo.

“Many farmer incomes and livelihoods should become a thing of the past. And, as every Filipino deserves, farming communities should have decent education, health and housing as well as the conveniences of water, electricity, telecommunications and transport,” pahayag pa ni Rodriguez.