Louis Biraogo

Huli sila ni Boying magaling

856 Views
BBM
Si Kong. Boying kasama si presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

NOONG Marso 4, 2022, nagkaroon ng malaking pagtitipon-tipon (rally) sa Gen. Trias, Cavite ang kampo ni Leni Robredo, isa sa mga kumakandidato sa pagka-pangulo sa darating na halalan. Ang bilang ng mga dumalo sagayong pagtitipon ay tinantiya na halos 47,000.

Ang pamilyang Remulla ang namumuno sa lalawigan ng Cavite, si Jonvic na siya’ng kasalukuyang Gobernador at si Boying Remulla na siya’ng kasalukuyang kongresista ng ika-7 distrito.

Ang magkapatid na si Gob. Jonvic at Kong. Boying ay kinakatigan at itinataguyod ang kandidatura ni Bong Bong Marcos (BBM) na tumatakbo sa pagkapangulo.

Ang pagdalo ng 47,000 sa pagtitipon-tipon na ginawa sa Gen. Trias ay nakapagbigay ng panibagong pag-usbong sa pag-asa ng mga tagasunod ni Robredo na maaari pa silang magtagumpay sa darating na halalan. Dumilim ang pag-asa ng kandidatura ni Robredo dahil ayon sa iba’t-ibang mga pananaliksik (survey) na ginawa sa loob ng ilang buwan na din ang nakaraan, parating nilalampaso ni BBM si Robredo. Humigit-kumulang sa40 na puntos ang parating nakukuhang lamang ni BBM kay Robredo.

Dahil sa dami ng dumalo sa nangyaring pagtitipon sa Gen. Trias, maaaring gustong palabasin ng kampo ni Robredo na may pagbuwelta o muling pagkabuhay na nangyayari sa kandidatura ng kanilang pambato at maaari pa itong magtagumpay sa halalan ngayong darating na Mayo, 2022.

Ngunit, iba ang nakikita ni Kong. Boying Remulla. May nahuhuli siya!

Ito ang natuklasan ni Kong. Boying Remulla sa ginawa niyang pagsusuri:

1. Walang nangyayaring pagkabuhay sa kampanya ni Robredo sa lalawigan ng Kabite;
2. Ang mga dumalo sa gayong pagtitipon-tipon sa Gen. Trias, Kabite ay ay mga bayaran;
3. Ang pag-gamit ng mga bayarang hakot ay nangyari dahil sa desperado ang kampo ni Robredo;
4. Nanatiling mataas ang suporta ng mga botante ng lalawigan ng Kabite kay BBM, malayong pumapangalawa lang si Robredo;
5. Sa darating na halalan, hindi bababa sa 800,000 ang bilang ng boto ng mga taga-Kabite para kay BBM.

Ang konklusyon naman na ito ay sinasang-ayunan ng resulta ng mga nagawang pagsisiyasat ng iba’t-ibang dalubhasa sa pananaliksik sa pulso ng mga botante, na ang ilan ay ang mga sumusunod:

1. Social Weather Station
2. Pulse Asia
3. Publicus Asia
4. OCTA Research
5. Laylo Research

Ipinahayag ni Kong. Boying Remulla sa isang panayan ng DZRH ang nakikita niyang katotohanan.

Ngunit, umani ng batikos at pagkasuklam si Kong. Boying Remulla.

Ano ba ang tawag sa isang taong hindi padalos-dalos na humusga kung nakaharap sa isang bagay na hindi kapani-paniwala? Ano ba ang tawag sa taong nagpapa-gabay sa pananaliksik ng mga dalubhasa? Ano ba ang tawag sa taong hindi nagpapatinag sa pag-iisip ng mga gumaganap na nakakarami?

Ang tawag sa taong yan ay magaling. Si Boying ay magaling. At ito’y mapapatunayan ni Boying paglabas ng resulta ng halalan ngayong Mayo, 2022.