Frasco

Rep. Frasco tuloy ang todo serbisyo sa mga kababayan

Mar Rodriguez Apr 2, 2024
146 Views

Frasco1Frasco2Frasco3Frasco4PAGKATAPOS ng pagdiriwang ng Semana Santa, balik trabaho si House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco sa pagbibigay ng serbisyo sa kaniyang mga kababayan matapos itong mamahagi ng tulong para sa mga mamamayan ng Barangay Suba, Danao City.

Ayon kay Frasco, nagtungo siya sa Barangay Suba pagkalipas ng Holy Week para mamahagi ng nasa tinatayang P460,000 na tulong para sa 155 beneficiaries sa kaniyang distrito o mga residente ng Borbon, Sogod, Carmen, Danao City, Compostela at Liloan.

Bukod sa “financial assistance” para sa medical at burial needs ng kanyang mga kababayan, namahagi ng P100,000 cas assistance para sa mga mamamayan ng Barangay Suba, Danao City.

Ipinaliwanag ng House Deputy Speaker na hindi lamang sa panahon ng Kuwaresma o Semana Santa dapat ipakita ang pagiging isang mabuting Kristiyano bagkos sa lahat ng panahon bilang kawangis ng Panginoong Diyos.

“Hindi lang naman sa panahon ng Lenten Season dapat magpakita ng kabutihan kundi sa lahat ng panahon at pagkakataon. Iyan naman talaga ang essence ng pagiging isang Kristiyano, araw-araw ay obligasyon natin sa Diyos ang tumulong sa ating kapwa at lalo na sa mga nangangailangan,” sabi ni Frasco.

Nauna rito, isinabuhay ni Frasco ang tunay na pagiging “Kristiyano” hindi lamang sa salita kundi sa gawa matapos nitong sponsoran ang “libreng medical mission” sa Danao City para sa 400 residente ng nasabing lugar na nakakuha o nakapag-avail ng “libreng medical consultation”.

Ayon kay Frasco, kasabay ng selebrasyon ng Semana Santa, nais nitong ipakita ang tunay na kahulugan ng pagiging Kristiyano, hindi lamang sa pamamagitan ng salita kundi sa salita sa pamamaraan ng pagbabahagi ng tulong para sa mga mahihirap na mamamayan ng Cebu.