Tallo Tallo: Nagbida sa Abra Weavers.

Zamboanga, Abra nagpasiklab sa MPBL

Robert Andaya Apr 8, 2024
195 Views

CALASIAO, Pangasinan — Pinayuko ng Zamboanga ang Valenzuela, 82-76, sa overtime, habang binigo ng Abra ang host Pangasinan, 83-75, sa dalawang kapanapanabik na laro sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Season 6 sa Calasiao Sports Complex kamakailan.

Kaagad nagpasiklab ang dating MVP na si Jaycee Marcelino para sa Master Sardines ni coach Louie Alas matapos gumawa ng 26 points mula 12-of-21 shooting at walong eight rebounds sa 29 minutes na aksyon

Nakatuwang ni Marcelino sina Rey Publico,na umiskor ng 10 puntos; at Adrian Santos, Joseph Terso at Renzo Subido,na nag-ambag ng walong puntos para sa Zamboanga.

Namuno sina Dennis Santos, na may 24 puntos sa 5-of-11 mula three-point territory, at Orin Catacutan,na may 12 puntos at seven rebounds para sa Valenzuela ni coach Jhon Velasquez.

Nagtala naman si Valandre Chauca ng 11 puntos at six rebounds.

Naging pukpukan ang labanan ng Zamboanga at Valenzuela, na kinailangan pa ng extra period at nagbigay na kasiyahan sa madaming mga manonood, kabilang ang ilang matataas na opisyal ng pamahalaan ng probinsya.

Subalit isang turnaround jumper ni marcelino na sinundan ng dalawang pressure-packed free throws ni subido ang naghatid ng panalo sa Zamboanga.

Sa battle of newcomers, namayani naman ang Abra kontra sa Pangasinan.

Nagsanib pwersa sina Mark Tallo, John Lloyd Clemente at Prince Caperal para sa panalo ng Weavers.

Umiksor si Tallo ng 14 puntos, kabilang ang 4-of-6 mula three-point area at ang dagger three na nagbigay sa, Abra ng 81-75 bentahe ilang segundo bago matapos ang laro.

May eight rebounds and seven assists din sa 26 minutes si Tallo ni coach Jonathan Banal.

Si Caperal ay may 10 puntos at eight rebounds.

Nagtala naman si Hesed Gabo ng game-high 26 points sa 10-of-17 shooting, five assists at four rebounds sa 30 minutes para sa Heatwaves ni coach Jerson Cabiltes.

Si Chester Ian Melencio ay 12 puntos, five rebounds and four assists habang si Michael Mabulac ay may 10 puntos at nine rebounds.

Gayundin, nag-ambag si Ed Daquiaog ng siyam na puntos at three rebounds.

Naging panauhing pandangal si MPBL founder Manny Pacquiao, na dumalo kasama sina Commissioner Kenneth Duremdes, CEO Joe Ramos, Head of Operations Emmer Oreta at legal counsel Atty. Glenn Gacal.

Ang scores:

First game

Zamboanga (82) — JC. Marcelino 26, Publico 10, Santos 8, Terso 8, Subido 8, Gabayni 7, JV. Marcelino 6, Alas 4, Barcuma 3, Omega 2, Mahari 0
Valenzuela (76) — Santos 24, Catacutan 12, Chauca 11, Macion 8, Enjerico 6, Dela Cruz 5, Armenion 4, Gotladera 4, Payawal 2, De Chavez 0, Velaso 0.
Quarterscores: 32-27, 43-47, 59-56, 71-71, 82-76.

Second game

Abra (83) — Tallo 14, Clemente 12, Caperal 10, Canete 9, Comboy 8, Escamis 8, Chavez 6, Tolentino 4, Bringas 4, Pasturan 3, Faundo 2, Fabro 2, Magat 1.
Pangasinan (75) — Gabo 26, Melencio 12, Mabulac 10, Daquiaog 9, Bautista 4, Robin 3, Villamor 2, Gabriel 2, Caasi 2, Taganas 2, Calaguio 2, Tolentino 1, Javillonar 0, Tan 0.
Quarterscores: 25-21, 45-38, 60-55, 83-75.