CAAP nagkaroon ng wildlife hazard training
Jan 15, 2026
PRO-4A binisita ng PNP chief
Jan 15, 2026
Bataan may tanggapan na ng VFS
Jan 15, 2026
PRO 4A tinanggap PNPA cadets
Jan 15, 2026
Calendar
Pacquiao: Galit sa game-fixing. MPBL photo
Basketball
Game-fixing walang puwang sa MPBL
Robert Andaya
Apr 7, 2024
613
Views
CALASIAO, Pangasinan — Walang puwang sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) ang game-fixing at iba pang katulad na maling gawain.
Ito ang madiing pahayag ni MPBL founder Sen. Manny Pacquiao sa matagumpay na pagbubukas ng ika-anim na season ng MPBL, na itinuturing na “Liga ng Bawat Pilipino”, sa harap ng madaming manonood sa Calasiao Sports Complex kamakailan.
“The MPBL, ang ‘Liga ng Bawat Pilipino’, is here to stay,” pahayag pa ni Pacquiao.
“Madami na tayong nadidinig dati, lalo na nung nag-uumpisa pa lang tayo na hindi magtatagal ang liga natin. But with God’s grace, tuloy-tuloy pa din tayo sa pagbibigay ng kasiyahan sa ating mga kababayan, lalo na sa mga mahilig sa basketball,” dagdag pa ni Pacquiao sa panayam kasama sina MPBL Commissioner Kenneth Duremes at Chief Executive Officer Joe Ramos.
Tiniyak din niya na patuloy na magsusumikap ang MPBL na maghatid ng kasiyahan sa buong bansa.
“Sa MPBL, patuloy naman kaming naghahanap ng mga paraan, kasama ang mga LGUs, na makatulong sa basketball, lalo na sa mga players. Kahit sa mga kabataan, patuloy kami sa pag-tulong na mas lalong i-angat ang basketball. Ngayon, may Junior MPBL na din tayo, pati MPBL Inter-Barangay.”
Hindi din nagpaligoy-ligoy pa si Pacquiao sa isyu ng game-fixing.
“Lagi ko ngang sinasabi, lalo na sa mga players at coaches, na walang puwang sa MPBL ang game-fixing. Galit ako sa mga nangloloko at hindi ko ito papayagan na mangyari sa liga natin.”
Hinamon din ng sikat na eight-division boxing champion ang mga players na ibulgar ang kanilng nalalaman sa game-fixing, kung meron man.
“Pwede naman natin silang payagan na muling makalaro sa MPBL. Pwede natin silang bigyan uli ng pagkakataon. Pero dapat magsalita sila at sabihin muna ang mga nalalaman nila tungkol sa game-fixing,”dugtong pa ni Pacquiao.
Samantala, inanunsyo ni Duremdes na ang MPBL ay gaganapin anim na araw sa loob ng isang linggo.
Ang 30 kalahok na teams ay hinati sa two divisions: North at South.
North — Reigning MPBL national champion Pampanga, Nueva Ecija, MPBL Datu Cup titlist San Juan, Caloocan, Marikina, Bataan, Tarlac, Manila, Valenzuela, Quezon City, Pangasinan, Abra,
Bulacan, Rizal and Pasay.
South — Batangas, South Cotabato (GenSan), Zamboanga, Quezon Province, Muntinlupa Iloilo, Sarangani, Negros, Mindoro, Biñan (Laguna), Bicol, Bacolod, Imus, Parañaque at MPBL Lakan Season champion Davao Occidental.
Matapos ang single-round robin ng 30 teams, ang top eight sa bawat division ay aabante sa quarterfinal round ng kumpetisyon na matatapos sa December.
Ang iba pang mga MPBL officials na dumalo sa opening ceremony ay sina Head of Operations Emmer Oreta, Legal Counsel Atty. Glenn Gacal, Technical Head George Magsino at Chief of Security Rudy Distrito.
Abra nagtala ng winning record sa MPBL
Oct 3, 2025
Nueva Ecija, Biñan hindi mapigil
Sep 5, 2025
Nueva Ecija, Biñan hindi mapigil
Sep 5, 2025
Nueva Ecija, Biñan hindi mapigil
Sep 4, 2025
Batangas nagpa-init sa MPBL
Sep 4, 2025
Corpuz nag-bida sa panalo ng Pasig laban sa Imus
Aug 26, 2025
Reyes napiling UAAP commissioner
Aug 25, 2025
NLEX, Blackwater nagpasikat sa Kadayawan
Aug 22, 2025

