Calendar
Tuloy ang mainit na laro ni Will McAloney para sa Nueva Ecija Rice Vanguards.
Nueva Ecija, Biñan hindi mapigil
BAHAGYA lamang pinagpawisan ang Nueva Ecija Rice Vanguards bago igupo ang Sarangani Grippers, 115-67, sa pagpapatuloy ng aksyon sa Manny Pacquiao presents 1xBet-MPBL 2025 Season sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.
Labing-apat na players, sa pamumuno nina Jammer Jamito at Will McAloney, ang umiskor para sa Rice Vanguards, na nagposte ng kanilang ika-24th panalo laban sa dalawang talo sa North Division ng round-robin elimination phase ng 30-team, two-division tournament, na itinuturing din na “Liga ng Bawat Pilipino.”
Si Jamito ay nagtala ng 21 points at 8 rebounds, habang si McAloney ay nagdagdag ng 16 points para sa Rice Vanguards, na nanatili sa ika-dalawang pwesto sa likod ng Abra Solid North Weavers (23-1)
Nakatuwang nila sina JP Calvo (12 points, 9 assists, 3 steals at 2 rebounds); Jaycee Marcelino ( 11 points, 4 rebounds at 3 assists); at Billy Robles (10 points).
Nalasap ng Sarangani, na nakakuha ng 11 points mula kay Martin Gozum at tig 10 points mula kina Kyt Jimenez at Ken Brillantes, ang kanilang ikatlong sunod na kabiguan para sa 9-16 record.
Samantala, pinatahimik ng Biñan Tatak Gel ang Imus Grumpy Joe, 106-75, upang umangat sa 14-11 record sa South Division.
Nanguna si Jaymar Gimpayan sa kanyang 16 points at 10 rebound para sa Biñan, na lumamang ng 20 points, 57-37, sa halftime sa tulong ng back-to-back triples ni Ryan Sual upang manalo at bumawi mula sa apat na dikit na pagkatalo.
Nagdagdag sina Michael Maestre ng 12 points at 6 rebounds, at Pamboy Raymundo ng 12 points, 7 assists, 5 rebounds at 2 steals para sa Biñan, na tumabla sa Basilan para sa sixth spot.
Bumagsak naman ang Imus sa 9-17 kartada sa kabila ng 25-point, 4-rebound effort ni Mark Doligon at 10-point contribution ni Regie Boy Basibas’
Sa naunang laro, tinalo ng Bacolod Tubo Slashers ang Manila Batang Quiapo, 102-58, para sa 4-21 record.
Ang MPBL ay itinataguyod ni eight-division boxing world champion Manny Pacquiao mula pa nung 2017.
Commissioner si PBA legend Kenneth Duremdes.

