Dave Nagbida si Dave Ildefonso para sa Abra Solid North Weavers.

Abra nagtala ng winning record sa MPBL

Robert Andaya Oct 3, 2025
281 Views

BAHAGYA lamang pinagpawisan ang Abra Solid North bago pabagsakin ang undermanned Mindoro, 104-82, at Itala ang record 26 straight wins sa Manny Pacquiao Presents MPBL 2025 Season sa Robert Estrella Sr. Memorial Gymnasium sa Rosales, Pangasinan.

Nanguna sina Encho Serrano, John Uduba at Dave Ildefonso para sa Weavers ni coach Yong Garcia.

Nagtala si Serrano ng 29 points, 11 rebounds at 4 assists; si Uduba ay nagdagdag ng 21 points and 10 rebounds, at si Ildefonso ay may 21 points, 8 assists, 6 rebounds at 4 steals para sa Weavers, na binura ang kanilang dating record na 25-game winning streak ka-tabla ang Nueva Ecija Rice Vanguards.

Bukod dito, umakyat din ang Abra sa 28-1 win-loss record, na isa pang MPBL all-time best, sa North Division ng 30-team tournament, na itinataguyod nina boxing legend Manny Pacquiao at.commissioner Kenneth Duremdes.

Bumaba ang Tamaraws sa 15-14 record: bagqmat nanatili sa eighth spot sa South Division.

Nakakuha ang Mindoro ng 17 points mula kay RJ Ramirez, 15 mula kay Ethan Galang, 14 mula kay Marion Magat, at 12 mula sa homegrown star Hanz Philip Maycong.

Hindi naglaro para sa Mindoro ang kanilang mga starters na sina Ino Comboy, Bam Gamalinda at Joseph Sedurifa, role player Jeco Bancale at veteran Ken Bono.

Samantaia, sumandal ang Caloocan sa mainit na mga kamay ni Jeff Manday upang payukuin ang Pangasinan, 77-74, at magpakatatag sa kartang 21-8, para sa sixth spot sa North at best-of-three playoff tussle laban sa No. 3 San Juan.

Umiskor si Manday ng anim sa huling walong puntos ng Caloocan upang burahin ang 69-71 deficit matapos ang isang triple.ni JP Maguliano ng Pangasinan.

Pasimuno si Rommel Calahat para sa Batang Kankaloo sa kanyang 12 points at 3 rebounds.