Batac Warlo James Batac nagpasikat para sa Pasig.

Corpuz nag-bida sa panalo ng Pasig laban sa Imus

Robert Andaya Aug 26, 2025
684 Views

NAGPASIKAT si John Felix Corpuz sa kanyang makapigil-hiningang three-point shot sa 82-81 panalo ng Pasig City laban sa Imus sa overtime sa Manny Pacquiao presents 1xBet-MPBL 2025 Season sa Nueva Ecija Coliseum sa Palayan City kamakailan.

Nakuha ni Corpuz, ang prized find mula Immaculada Concepcion College, ang rebound matapos nag-mintis si Paul Belencion ng Imus sa kanyang second free throw sa huling 5.7 segundo bago naipasok ang ksnysng dagger three para maitakas ang panalo para sa Pasig.

Ito ang ika-siyam na panalo laban sa 15 talo para sa Pasig, na nanatili sa 10th spot ng North Division ng 30-team tournament. na itinataguyod ni Sen. Manny Pacquiao at PBA legend Kenneth Duremdes.

Nanguna para sa Pasig sina Jacob Galicia, na may 22 points at 13 rebounds; Warlo James Batac, na may 18 points, 10 rebounds at 4 assists; Jerome Garcia, na may 14 points, 4 assists at 3 rebounds; at Corpuz, na may 11 points, 9 rebounds at 2 assists.

Matapis ang laro, napili si Batac na “Best Player of the Game.”

Hindi naman nakalaro para sa Pasig ang kanilang injured veteran na si Chito Jaime at sikst na point guard Robbie Manalang.

Ang Imus, na bumagsak din sa 9-15 record sa Southern Conference, ay pinangunahan nina Mark Doligon ( 25 points, 8 rebounds, 2 assists), Jayvee Dela Cruz (14 points, 7 rebounds, 6 assists), Jaypee Belencion (11 points) at Regie Boy Basibas (10 points, 10 rebounds, 2 blocks).