Calendar
Binabati ni PLDT Chairman/ CEO Manny V. Pangilinan si Alapag . Photo courtesy of NLEX
Bagong coach, bagong pag-asa ng NLEX
WELCOME to NLEX, coach Jimmy Alapag.
Binigyan ng magandang pagsalubong ng NLEX si Alapag bilang kanilang barong coach sa. nalalapit na PBA Governors’ Cup simula sa July 10.
Sina PLDT Chairman/ CEO Manny V. Pangilinan, NLEX president Luis Renon at long-time official/team governor Ronald Dulatre ang nanguna sa pagbati kay Alapag.
“Welcome to your new home coach Jimmy Alapag! As we prepare for the upcoming conference, the NLEX management believes this is the right time to introduce renewed leadership while preserving the continuity and identity that the team has built,” pahayag ng NLEX sa isang social media post.
Unang sasabak ang NLEX at si Alapag bilang coach laban sa Macau Giant Pandas sa July 10 sa Ynares Center Antipolo.
Pinalitan ni Alapag, na kilala din sa tawag na “Mighty Mouse” sa kanyang pkaying days para sa MVP Group, ang dating coach na si Jong Uichico.
Ang 48-year-old Filipino-American guard na napiling MVP nung kanyang playing days nung 2011, ay inaasahang makatutulong ng husto para sa NLEX.
Ang Road Warriors ay nagtala ng 10 wins at two losses sa elimination round subalit nabigo sa kamay ng TNT Tropang 5G sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup.
Si Alapag, na miyembro din ng PBA “50 Greatest Players”, ay nagbabalik sa bansa matapos ang six-year stay sa US , na kung saan nagsilbi sita bilang coaching staff ng Stockton Kings sa NBA Summer League.
Naging player development coach din siya ng Saramento Kings sa NBA simula 2023 hanggang matapos ang season..
Bago ang NBA, ang San Bernardino, California-born player ay nanako ng six PBA championships, lahat sa TNT franchise, na pinili siya bilang No.10 overall sa 2003 draft.
Ang former Rookie of the Year ay naging Best Player of the Conference winner, two-time Finals MVP, three-time First Mythical Team at 11-time All-Star.
Naging long-time member at team captain din sita ng Gilas Pilipinas, na nagtapos bilang back-to-back runner-up nung 2013 at 2015 Asian Cup
Nanalo din siya ng two golds bilang miyembro ng national teams sa 2015 at 2017 Southeast Asian Games.
