Calendar
BOC digital transformation kailangang makumpleto para maging world class ang serbisyo
MAPAGPALANG araw sa lahat ng ating suki.
Binabati natin ang mga kababayan natin sa Japan na sin
Ma. Theresa Yasuki, Tata Yap Yamazaki, Patricia Coronel, Roana San Jose, Winger dela Cruz, La Dy Pinky, Endo Yumi, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi at Hiroshi Katsumata,
Binabati rin natin sina Joann de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.
Nawa’y lahat kayo ay nasa mabuti at ligtas kalagayan.
***
Bilang tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang kampanya laban sa illegal drugs, patuloy ang paghabol ay panghuhuli ng Bureau of Customs (BOC) sa mga pumapasok na droga sa bansa.
Matatandaang kamakailan ay sinabi ni BOC Commissioner Ariel F, Nepomuceno na mauubos lang ang puhunan ng mga ismagler dahil determinado ang gobyerno na kumpiskahin lahat ng kontrabando.
Sigurado ito, dahil ang kampanya laban sa iligal na droga at ismagling ay isang inter-agency na inisyatibo na pinangungunahan ng kanyang ahensya.
Kasama sa kampanya ang military, police, Philippine Coast Guard, Philippine Drug Enforcement Agency, local government units at iba pang law enforcement agencies.
Kamakailan lang ay nakasakote ang BOC-Port of Clark ng shipment ng shabu na nanggaling ng South Africa.
Ang shabu ay tumitimbang ng 1,706 grams at nagkakahalaga ng mahigit P11.6 milyon.
Ang nasabat na kontrabando ay dadalhin sana sa Angeles City, ayon sa BOC.
Nang idaan sa X-ray Inspection Project (XIP) screening, ang shipment ay nakitaan ng suspicious images.
Sa pahayag ng BOC, ang shipment ay dumaan din sa “K-9 sniff test na nagresulta sa positive indications for illegal drugs.”
Dito na binuksan ang shipment at nakita ang kontrabando na nakatago sa mga parte ng sasakyan.
Nakita ng mga otoridad ang 17 black and transparent plastic packages na naglalaman ng white crystalline substances na pinaghihinalaang shabu.
Ayon kay Port of Clark District Collector Jairus S. Reyes, mahalaga ang patuloy na “strengthening the capability of customs personnel against evolving smuggling methods.”
Kaya patuloy ang ginagawang pagsasanay ng mga tauhan ng ahensya na tinawag na “customs frontliners.”
Ayon naman kay Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno, hindi lang halaga ng nasamsam (na droga) ang mahalaga.
Bawat pagsabat ay nangangahulugang mas maraming mapanganib na ilegal na droga ang napipigilang makarating sa mga pamilya at komunidad, ayon kay Nepomuceno.
***
Para maging world-class ang serbisyo sa aduana, kailangan talagang makumpleto ang digital transformation ng Bureau of Customs (BOC).
At dito tayo sumasaludo kay Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno, isa sa paboritong anak ng Malabon City.
Determinado siyang makumpleto ang programang ito bago bumaba sa puwesto si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Hunyo 30, 2028.
May sapat pang panahon para matapos ang computerization program ng BOC.
Ang kailangan lang ay pagtuunan ng pansin ang programang ito na magpapabilis at magpapaganda ng serbisyo sa 17 collection districts ng ahensya.
Sinabi ito ni Commissioner Nepomuceno nang ganapin ang dalawang araw (Agosto 3-4) na 2026 Metro Manila Business Conference.
Ang pagpupulong ay dinaluhan ng representatives mula sa government at private sectors.
“The BOC is undergoing intense transformation and at the center of this transformation is our reliance on digital solutions,” ayon kay Nepomuceno.
Dagdag pa ng BOC chief: “We are already seeing concrete results, not optics, not newspaper results.”
Isang katunayan, aniya, ang malakas na revenue performance ng ahensya nitong mga nakaraang buwan.
Noong Hulyo nga ay naitala ng BOC ang highest monthly tax collection sa kasaysayan.
“We exceeded our collection target with a surplus of P4.7 billion, bringing our total surplus collection for the year to more than P14 billion,” dagdag pa ni Commissioner Nepomuceno.
(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)
