Vic Reyes

Sec Go pinapurihan sina Mendoza, Nepomuceno

Vic Reyes Aug 16, 2026
105 Views

MAGANDANG araw sa lahat ng ating mga suki, lalo na sa Japan at Oman.

Nawa’y nasa maayos at ligtas kayong kalagayan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, La Dy Pinky, Endo Yumi, Mama Aki, Tata Yap Yamazaki, , Lorna Pangan Tadokoro, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at Hiroshi Katsumata.

Ganun din kay Joann de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.

Mabuhay kayong lahat!

(Para sa komento at pagbati, mag-text sa #0917-8624484/email: philipreyes08@yahoo.com.)

***

Pinapurihan ni Finance Secretary Frederick Go ang Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa tagumpay ng kanilang mga programa.

Ang dalawang revenue generating agencies ay nasa ilalim ng Department of Finance (DOF).

Ang BIR, na pinamumunuan ni Commissioner Charlito Martin R. Mendoza, ay siyang pangunahing tax collector ng bansa.

Si Commissioner Ariel F. Nepomuceno naman ang siyang hepe ng BOC, ang pangalawang pinakamalaking tax collector ng bansa.

Sa isang radio interview, sinabi ni Secretary Go na maganda ang mga repormang ipinapatupad nina Mendoza at Nepomuceno.

Sa interview, ipinangako ni Commissioner Nepomuceno na patuloy “naming pagbubutihin ang aming tax collection efforts.”

Ayon kay Nepomuceno, ang primary mission nila ay mangolekta ng buwis, taripa at iba pang bayarin.

Kailangan ang sapat na pondo para tustusan ang mga programa at proyekto ng pamahalaan.

Si Commissioner Nepomuceno ay naupo sa puwesto noong July 1, 2025, samantalang si Mendoza ay naitalaga noong Nobyembre 12, 2025.

Inapoint naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Go bilang DOF Secretary, Nobyembre 17, 2025.

****

Malaki ang magagawa ng taumbayan para magtagumpay ang gobyerno sa misyon na bilisan ang socio-economic development ng bansa.

Dapat tumulong ang mamamayan para matigil na ang graft and corruption sa ibat-ibang opisina ng gobyerno.

Kung hindi tutulong ang publiko sa nationwide campaign against wrongdoing ay talagang mahihirapan ang mga otoridad na linisin ang bureaucracy.

Ang publiko kasi ang nakakakita sa mga kalokohan ng ilang lingkod-bayan, lalo na sa mga probinsiya.

Ang mahirap kasi, nakikinabang din sila sa pagnanakaw ng mga tiwaling opisyal at empleyado ng gobyerno.

Kaya ang nangyayari ay maraming local government officials ang malalakas ang loob na gumawa ng kalokohan.

Alam nila na walang magsusumbong dahil nabibiyayaan naman ang mga kasamaan nila.

Walang mangyayari sa anti-corruption drive ng pamahalaan kung patuloy na magbubulagbulagan ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno.

***

Malamang na hindi mapalagay ang mga taong sangkot sa mga maanomalyang ghost flood control projects.

Alam nila na mabibisto ang kanilang mga kalokohan dahil sa patuloy na pag-ulan sa maraming parte ng bansa

Walang konsensiya ang mga hinayupak na contractor at iba pang sangkot sa maanomalyang proyekto.

Sobra ang dinaranas na paghihirap ngayon ng mga kababayan nating binaha dahil sa walang silbing flood control na proyekto ng pamahalaan.