Calendar
Na-depensahan ng dalawang UE Red Warriors ang Russian plater na si Filonov Aleksadr sa fourth-quarter action sa 37th Promotion Cup basketball championship in Jixi City, China. Photo by Robert Andaya
Red Warriors bigo laban sa Russians

JIXI City, Heilongjiang — Nagsikap man subalit bigo ang University of the East-Philippines sa kanilang battle for top spot laban sa Habas Khabarovsk State University of Physical Education-Russia, 84-93, sa Group A ng 37th Promotion Cup international invitational basketball tournament sa Jixi Convention and Exhibition Center.
Naghabol ang Red Warriors mula sa ilang double-digit deficits sa simula pa lamang ng laro upang sandaling maagaw ang kalamangan matapos ang isang well-contested corner three-point shot niDylan Benedict Despi bago tuluyang mabigo laban sa taller at more-experienced Russians sa huling tatlong minuto ng sagupaan.
Na-kumpleto ng mga Russians ang three-game sweep sa Group A, havang pumangalawa ang mga Filipinos sa kanilang 2-1 win-loss record.
Bilang top two teams sa Group A, ang mga Russians at FIlipinos ay umabante sa crossover semis laban sa Group B No. 2 Liaoning University at Group B topnotcher Malaysia, ayon sa pagkasunod
Winalis ng Malaysia ang Vladivostok State University-Russia, 92-54, para sa kanilang three-game sweep sa Group B, habzng pinadapa ng Liaoning ang Jixi Youth, 92-71, para sa 2-1 win-loss record.
Nanguna si Fil-Am forward John Abate para sa Chris Gavina-mentored Red Warriors sa kanyang 19 points, kabilang ang mga mid-range jumpers sa kabila ng tall at mposing frontline ng mga Russians.
Nakatuwang ni Abate sina Despi at Drayton Caoile, na kapwa umiskor ng 14 points, at Kristopher Lagat, na may 10 points para ss Red Warriors, na naghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng UAAP Season 88 sa susunod na buwan.
Sina sharpshooter na si Eliseikin Nikolai at 6-7 center Filonov Aleksandr ang nagpahirap ng husto sa UE side.
Si Nikolai ay nagpasiklab sa kanyang 30 points, kabilang ang apat na three-point shots, habang si Aleksandr ay nagpakita ng lakas sa shaded area at tumapos ng may 28 points.
Nadomina ng mga Russians ang larosa simula pa lamang at nagposte ng 25-12 lead sa first quarter at 48-37 advantage sa halftime.
Subalit bumawi ang Red Warriors sa third quarter na kung saan nagpakitang gilas sina Abate at Despi at nasapawan ang mga kalaban, 29-23, at idikit ang laban, 66-71, bago pa ang payoff period.
Isang 11-5 scoring run ng UE na tinampukan ng long three-pointer ni Despi ang nagbigay sa Red Warriors ng kanilang unang kalamangan, 77-76 may 6:52 ang nalalabi.
Gayunman, muling nagpakita ng galing si Nikolai sa kanyang three-point shooting upang tuluyang tapusin ng mga Russians ang laro.
Ang kampanya ng Red Warriors dito sa Jixi City ay itinataguyod ng Armstrong Philippines, sa pangunguna ni Norman Gomez.
Last year, ang University of Visayas ang kumatawan sa bansa sa 36th edition ng kumpetisyon.
Standings
Group A
W L
Khabarovsk 3 0
UE-Philippines 2 1
Jilin 1 2
Heilongjiang 0 3
Group B
Malaysia 3 0
Liaoning 2 1
Jixi 1 2
Vladivostok 0 3

