Liza

FL Liza Marcos di nakikialam sa mga desisyon ni PBBM

Chona Yu Apr 19, 2024
105 Views

PINABULAANAN ni First Lady Liza Marcos ang mga ulat na under de saya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa panayam ng mamahayag na si Anthony Taberna, sinabi ni First Lady Liza na kung totoong under de saya ang Pangulo, hindi niya sana iniwan ang kanyang law firm na Marcos and Associates.

Ayon kay First Lady Liza, hindi niya kinokontrol at pinapakialaman ang mga desisyon ng Pangulo lalo na sa mga polisiya at appointments.

“You’re talking about under the saya. I gave up my law firm. You know how painful that was for me?,” pahayag ni First Lady.

“Tapos sasabihin nila I’m smuggling, may deal kami dito. Sasabihin, ‘I gave up my law firm.’ Eh, ‘di ba, if you’re going to do that, ‘di sana I kept na lang my law firm. Mas madali pa,” pahayag ni First Lady Liza.

Inihalimbawa rin ni First Lady Liza ang desisyon ni Pangulong Marcos na ipadala sa boarding school ang mga anak sa London para mag-aral.

“Eh, ako naman, I never went to boarding school. As a mom masakit ‘yan. At 11, at 10, maipadala mo ang anak mo? Cause that’s the school he went to. Kaya siguro hindi spoiled. Bibigyan kayo ng allowance, tapos yung disiplina. They’ll only kick you out if you steal, if you cheat, and if you bully,” pahayag ni First Lady Liza.

May babala rin si First Lady Liza sa akusasyon na pinapakialaman niya ang mga presidential appointees.

“Dahan-dahan sila. If I’m in-charge, lahat sila patay. Ako pa?,” pahayag ni First Lady Liza.