Calendar
Valeriano pinasalamatan si PBBM dahil sa suspension ng e-bikes ban
PINASALAMATAN ng chairman ng House Committee on Metro Manila Development na si Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano si President Marcos, Jr. matapos nitong ipag-utos ang pansamantalang suspension ng ban para sa mga e-bikes at e-trikes na bumabagtas sa Metro Manila.
Sinabi ni Valeriano na wala naman siyang nakikitang masama sa inilabas na regulation ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagpapatupad ng ban laban sa mga e-bikes at e-trikes sapagkat ang inisiip lamang nila ay kapakanan at kaligtasan ng mga gumagamit nito.
Subalit ikinatuwiran ni Valeriano na karamihan sa mga gumagamit ng e-trikes at e-bikes ay ginagamit nila sa kanilang negosyo o hanap-buhay. Kaya akmang-akma ang inilabas na kautusan ng Pangulong Marcos, Jr. para mas mapalawig pa ang mga araw bago ang tuluyang pababawal o ban dito.
“Hindi natin masisisi ang MMDA dahil ang iniisip lamang nila ay kapakanan at kaligtasan ng mga may-ari ng e-bikes at e-trikes. Bagama’t Maganda ang hangarin nila, subalit tandaan lamang natin na ilan sa kanila ay ginagamit ang mga sasakyang ito sa kanilangt hanap-buhay,” sabi ni Valeriano.
Nauna rito, ipinag-utos ni Pangulong Bongbong R. Marcos, Jr. ang pansamantalang suspension sa ban ng mga e-trikes at e-bikes na bumabagtas sa mga pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila partikular na sa EDSA.
Inaatasan din ng Punong Ehekutibo ang MMDA at lahat ng local government units (LGUs) sa Metro Manila na bigyan ng isang buwang palugit o grace period ang mga nasabing sasakyan bago ang tuluyang pagbabawal o pag-ban dito.
Bilang chairperson ng Committee on Metro Manila Development, pinapurihan din ni Valeriano ang Pangulo dahil sa pagbibigay nito ng konsoderasyon para sa mga gumagamit ng e-trikes at e-bikes.