Calendar
6,680 mula 17,010 pumasa sa Civil Engineers License Exam
INANUNSYO ng Professional Regulation Commission (PRC) na mayroong 6,680 katao mula sa 17,010 ang pumasa sa Civil Engineers Licensure Examination, na ibinigay ng Board of Civil Engineering. Dahil sa bilang ng mga nakapasa sa exam, pumalo sa 39.27 percent.
Ang pagsusulit ay isinagawa sa 18 testing centers sa bansa nitong Abril 2024.
Ang mga miyembro ng Board of Civil Engineering na nagsagawa ng pagsusulit ay sina Engr. Praxedes Bernardo, chairman; Engr. Pericles Dakay at Engr. Romeo Estañero, mga miyembro.
Ang resulta ay inilabas ang apat na araw matapos isagawa ang huling araw ng naturang pagsusulit.
Mula sa mga nakapasa, nanguna sina Ryan Sylvester Chan at Cedric Jerome Donguines, na kapwa mula sa De La Salle University – Manila, na parehong nakakuha ng 94.30 percent.
Nasungkit naman ang De La Salle University – Manila ang pinakamataas na university performance rate matapos pumasa ang 84 sa 93 examinees nito o 90.32 percent.
Maaaring ma-access ang buong listahan ng mga nakapasa sa pamamagitan ng link na ito: https://drive.google.com/file/d/1iFs_3ti-OqrPuJttopsoV5u-HSZdgBZE/view.