BBM Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Young Guns ng Kamara kinondena PBBM deepfake

Mar Rodriguez Apr 26, 2024
109 Views

KINONDENA ng mga miyembro ng Young Guns ng Kamara de Representantes ang ikinakalat na audio deepfake ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasabay ng kanilang panawagan na aksyon laban sa maling impormasyon na sumisira sa integridad ng bansa.

Iginiit nina Assistant Majority Leaders Zia Alonto Adiong (Lanao del Sur), Paolo Ortega (La Union) at Jay Khonghun (Zambales) ang kahalagahan na labanan ang pagkalat ng maling impormasyon at paggawa ng mga hakbang laban dito.

“This audio deepfake is not just a fabrication; it’s a dangerous attempt to manipulate public perception and incite unwarranted actions,” sabi ni Adiong.

“We cannot allow such malicious tactics to undermine the trust in our institutions,” dagdag pa nito.

Iginiit naman ni Ortega na ang pagkalat ng maling impormasyon ay may tama sa demokratikong prinsipyo ng bansa.

“The spread of manipulated content threatens the very fabric of our democracy,” ani Ortega.

“We must stand united in condemning these deceitful acts and demand accountability from those who seek to deceive the Filipino people,” dagdag pa nito.

Samantala, sinabi naman ni Khonghun na kailangan ng mga mabibigat na hakbang upang matugunan ang banta ng digital manipulation.

“We stand at a pivotal moment in our fight against digital manipulation. We must act decisively to safeguard the sanctity of truth and protect our democracy from those who seek to undermine it,” ani Khonghun.

Nauna rito, kinondena ng Presidential Communications Office (PCO) ang pagkalat ng minanipulang audio na ikinakalat sa mga social media platform.

Ginaya ang boses ng Pangulo at pinalalabas na inutusan nito ang Armed Forces of the Philippines na gumawa ng mga pag-atake sa China.

Ang mga deepfake ay nagagawa sa pamamagitan ng Artificial Intelligence (AI) algorithms.

Nakipag-ugnayan na ang PCO sa Department of Information and Communications Technology, National Security Council at sa National Cybersecurity Inter-Agency Committee upang malabanan ang pagkalat ng deepfake audio.

Nakiisa ang Young Guns sa PCO at mga ahensya ng gobyerno sa paglaban sa pagkalat ng pekeng impormasyon.