Determinasyon ni PBBM na matuloy BARMM election pinuri ng solon

Mar Rodriguez Apr 30, 2024
92 Views

PINURI ni House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong ang determinasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tiyaking matutuloy ang kauna-unahang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa susunod na taon.

“I fully support the President’s call to proceed [with the BARMM] elections in 2025,” ani Adiong sa ginanap na pulong balitaan sa Kamara de Representantes nitong Martes.

Nauna ng sinabi ni Pangulong Marcos na ang gobyerno ang makakalaban ng mga taong tatangkain na isabotahe ang eleksyon sa BARMM upang hindi ito matuloy.

Ikinagagalak din ni Adiong ang naging pagbabago ng mukha ng pulitika sa BARMM at ang pagkakaroon ng pagkakataon ng mga residente na malayang makapamili ng kanilang magiging pinuno.

Binanggit din mambabatas ang natatanging political structures ng rehiyon bilang parliamentary set-up, at kumpiyansa sa patuloy na pag-unlad sa ilalim ng pamumuno ng Pangulong Marcos.

“This is going to be the first election of the BARMM, simultaneous with the national and local governments in 2025, and we are very excited as a resident of
BARMM,” sabi pa ni Adiong.

Dagdag pa ng mambabatas, “We are very excited to see finally that the people in the BARRM would really have the way now to choose their leaders and to see how under President Bongbong Marcos, the BARMM would progress as a unique political structure because we have parliamentary setup.”

Noong 2022 pa dapat isasagawa ang unang eleksyon sa BARMM subalit hindi ito natuloy at pinalawig ng tatlo pang taon ang pamumuno ng mga itinalaga ng Pangulo upang maihanda ang lugar.

Aniya ang paglipat mula sa dating istraktura ng Autonomous Region in Muslim Mindanao patungong parliamentary system, ay nakatuon sa pagtanggap ng mga prinsipyo self-rule at self-determination.

“The essence of governance in the BARMM is to embrace the principle of self-rule and self-determination, and that is what we are seeing now,” ayon pa kay Adiong.

“Now, the immediate effect of the transition period… is to allow the people to assume their God-given right and the right under the Constitution to freely choose their leaders,” dagdag pa ng mambabatas.

Binigyang-linaw naman ni Lanao del Norte 1st District Rep. Mohamad Khalid Dimaporo ang mas malawak na implikasyon ng nalalapit na halalan sa BARMM, maging sa mga naninirahan sa labas ng rehiyon.

Ayon kay Dimaporo, chairman ng House Committee on Muslim Affairs, na ito ay isang katuparan ng peace agreement para sa kapayapaan at kaayusan ng rehiyon.

“While the political track has been progressing, the normalization track has been slower,” sabi ni Dimaporo. “Congress has a crucial role in ensuring that the needs of the Bangsamoro people are addressed, not only legislatively but also in terms of fulfilling the promises made in the peace agreement.”

Mahalaga rin, ayon kay Dimaporo ang pakikiisa ng Kongreso sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa epektibong pakikipagtulungan sa mga pinuno ng Bangsamoro.

Binigyan diin pa ng mambabatas na mahalagang maipatupad ng pamahalaan ang mga ipinangako sa liderato ng MILF, kabilang na ang pagkakaroon ng kabuhayan, pabahay at edukasyon ng kanilang mga anak.

“We must work hand in hand to deliver on the promises made to the MILF Command,” ayon kay Dimaporo.

Nakahanda rin ang Kongreso, sa pamumuno ni Speaker Romualdez na maibigay ang mga hinahangad ng mga mamamayan ng Bangsamoro, kahit natapos na eleksyon.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Adiong na ang pagtatatag ng BARMM “ay nagpapahiwatig ng isang malalim na pagtanaw sa kasaysayan, na matagal nang dapat na naisakatuparan para sa mga mamamayan ng Bangsamoro.

Ayon pa kay Adiong, “At its core lies the restoration of agency to the very individuals whose rights have been trampled upon for far too long. This restoration finds its zenith in the sacrosanct exercise of democratic choice—free and fair elections—an integral facet of our governance structure.”

Binigyan diin pa ni Dimaporo na ang papalapit na BARMM, na pamamahalaan ng natatanging sistema ng parliyamento, ay nangangahulugan ng pagtalikod sa nakasanayang pamamahala, na magsusulong ng isang bagong panahon ng otonomiya at sariling pagpapasya.

“We await with bated breath the unfolding of this historic chapter, brimming with anticipation for the dawn of a transformed Bangsamoro,” dagdag pa ng mambabatas.