Romero

Pagpapalabas ng gobyerno ng P25B cash subsidy suportado ng 1-PACMAN Party List Group

Mar Rodriguez May 6, 2024
125 Views

KINAKATIGAN ni 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., ang pagpapalabas ng gobyerno ng P2.5 billion fuel cash subsidy para sa mga public transportation drivers kasunod ng pagtaas sa presyo ng gasolina na lalong nagpapahirap para sa mga tsuper.

Ipinaliwanag ni Romero na hindi na dapat patagalin ng gobyerno ang pagpapalabas ng nasabing pondo o cash aid matapos maibigay ang lahat ng requirement para sa pagbabalangkas ng programa para sa mga public utility drivers sa gitna ng economic o financial crisis na pinagdadaanan nila.

Sinabi ni Romero na nakasaad din sa 2024 General Appropriations Act na ipapamahagi ang subsidy para sa mga PUV drivers sa panahon na umabot na sa $80 per barrel ang presyo ng crude oil.

“Hindi na dapat patagalin ng gobyerno ang pagre-release sa subsidy para sa m,ga drivers. Sapagkat malaki ang maitutulong nito [para sa kanila lalo na ngayon at sunod-sunod ang pagtaas ng gasolina at mga pangunahing bilihin. Kahit papaano ay malaking kaginhawahan na ito para sa kanila,” sabi ni Romero.