Flores

Pagkakaroon ng karagdagang MTC sa Bukidnon, isinulong ni Flores

Mar Rodriguez May 7, 2024
119 Views

BUNSOD nang mabagal na proseso ng hustisya dahil sa napakaraming kaso na dinidinig sa mga Hukuman sa kanilang lalawigan. Isinulong ni Bukidnon 2nd Dist. Cong. Jonathan Keith T. Flores ang panukala para magkaroon ng karagdagang Municipal Trial Court sa iba’t-ibang siyudad sa Bukidnon.

Sinabi ni Flores na inihain nito ang House Bill No. 1868 para magkaroon ng karagdagang MTC sa siyudad ng Malaybalay na siyang capital city ng lalawigan ng Bukidnon. Sapagkat sa kasalukuyan ay iisang Municipal Trial Court in Cities (MTCC) lamang ang mayroon sa Bukidnon.

Ipinaliwanag ni Flores na kulang ang MTCC dahil hindi nito kayang pagsilbihan ang 190,712 population ng Bukidnon. Habang lalo naman nadadagdagan ang bilang ng mga mamamayan sa nasabing lalawigan kaya hinihingi aniya ng pagkakataon ang pagkakaroon ng karagdagang MTCC.

Dahil dito, iginiit ng kongresista na para mas lalo pang mapagbuti o ma-improve ang ang sistema ng hustisya o “justice system” sa kanilang lalawigan sa pamamagitan ng mabilis na pagdinig sa mga nakabinbing kaso sa mga hukuman. Kinakailangang magkaroon ng karagdagang sangay ng MTCC.

“Dure to increase in population and the increase in the volume of cases filed. The present court docket has been clogged and resulted in the delay in the resolution of cases. In order to improve the administration of justice and to ensure the protection of the right speedy trials and additional MTCC in the City of Malaybalay must be created,” sabi ni Flores.

Ayon kay Flores, bilang kinatawan ng Bukidnon. Tungkulin niya na matugunan ang pangunahing pangangailangan ng kaniyang mga kababayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng karagdagang humukan na tutugin sa hinihinging hustisya ng kaniyang mga constituents na ginagarintayahan naman ng Konstitusyon.

“The Constitution guarantees the right to every person to a speedy disposition of cases be it criminal or civil. However, as vast number of cases pending before the courts. There is really a need to have an additional MTCC,” wika pa ni Flores.