Dy4 Isabela Rep. Faustino Dy V

Marami ang aalis sa PDP, Hugpong — Dy, Acidre

114 Views
Acidre
Tingog Partylist Rep. Jude Acidre

Dahil sa batikos ni Duterte kay PBBM

NANINIWALA ang mga lider ng Kamara de Representantes na marami ang aalis sa Partido Demokratiko Pilipino (PDP) na pinamumunuan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Hugpong ng Pagbabago ni Vice President Sara Duterte habang papalapit ang eleksyon.

Ito ay dahil sa mga atake umano ni dating Pangulong Duterte kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sinabi ni Deputy Majority Leader at Isabela Rep. Faustino Dy V na mayroong mga miyembro ng PDP at Hugpong na hindi kumportable sa pagbanat ng dating Pangulo at mga malalapit dito sa administrasyong Marcos.

Hinamon naman ni Deputy majority leader at Tingog Partylist Rep. Jude Acidre ang mga kaalyado ni dating Pangulong Duterte na mamili kung sila ay aanib sa “politics of division” o “politics of unity.”

“It seems to me na yung mga personalities who are involved, who are actively trying to malign the administration, who are mudslinging against the administration, na sila po talaga, marami po sa kanila talaga mahahanap duon po sa mga miyembro ng PDP,” ani Dy.

Hindi umano imposible na kumalas ang mga hindi sang-ayon sa ginagawa ni dating Pangulong Duterte at sumama sa alyansa na binubuo ng mga sumusuporta sa administrasyong Marcos.

“Marahil yung mga miyembro ng PDP or ng Hugpong na hindi sumasang-ayon sa mga nangyayari na gustong makitungo pa rin sa banner ng ating mahal na Pangulo na unity progress for our country, then makikita natin na marahil na sila po ay kumatok sa ibang mga partido, at lumipat ng ibang partido,” sabi pa nito.

“Dahil ayaw naman po natin ng ganitong klaseng pamumulitika e. Negative politics at this point in time shouldn’t have a place here…sabi nga po ni President Marcos yesterday in the PFP LAKAS alliance event na we are not recovering from pandemic. But we are transforming our economy into what it should be,” sabi pa ni Dy.

“So, we should all be supportive of this vision of our President. So again, ako po ang suspetsa ko marami sa mga miyembro ng PDP or Hugpong na di sumasang-ayon sa nangyayari ngayon sa kanilang mga partido, marahil ay lumipat po sila sa ibang partido,” dagdag pa nito.

“Ito ay challenge ko sa partido PDP – kailangan nilang mamili at a certain point, kailangan nilang diinan kung sila ba ay para sa bayan or kanila bang papayagan ang ganitong mga salita?…It’s a choice that the party has to make – will they tolerate this language, this behavior?” tanong ni Acidre.

“That clearly weakens, attempts to weaken our political institution hindi ba? Or doon ba sila sa grupo kung saan gusto nating palakasin pa ang ating mga institusyong politikal. Meron tayong Pangulo ngayon na nananawagan na magkaisa tayo, somebody who tries to unite. Anybody siguro who wants to divide must be made accountable, whether politically or by whatever means for taking that stand,” dagdag pa nito.

Ayon kay Acidre sa naging pagpupulong ng PDP sa Cebu City, sinabi ng pangulo ng partido na si Palawan Rep. Jose Alvarez na walang kinalaman ang partido sa pahayag ng dating Pangulong Duterte.

Ayon kay Acidre malinaw na ang suporta ng mga miyembro ng PDP sa Kamara ay nananatili kina Pangulong Marcos at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Naniniwala naman si Assistant Majority Leader at Manila Rep. Ernesto Dionisio Jr. na mayroong mga PDP na sumusuporta sa panawagang pagkakaisa ni Pangulong Marcos.

“I don’t think the entire party (PDP) would like to go against the administration. like I said, unifying President to eh, gusto niya maging maayos yung bansa talaga through unity…Siguro may iilan na mga miyembro nung kanilang mga partido na interest driven politics, so sana mawala na yung ganyan,” sabi ni Dionisio.

“Eto na niyayakap na kayo ng Presidente, we need to unite with all the issues and problems that is happening in our country, we need every Filipino to support the President…So, I hope that members of the PDP Laban especially yung kasama namin sa Kongreso, they will be supporting the president and be amiable para sa bansa. Let’s be patriotic, hindi yung sa politika interest driven,” dagdag pa nito.

Inulit naman ni Deputy Majority Leader at Isabela Rep. Faustino Dy V ang panawagan ng Pangulo na magkaisa.

“There are a lot of pressing issues today that we’re facing. So, I hope we can really unify against these pressing problems at hindi tayo mismong mga Pilipino, tayo mismo nagbabangayan at nag aaway-away. Nakakasawa na po iyong ganito, nakakapagod, di ba?” wika pa ni Dy.