Belmonte ipinag-utos na buwagin Task Force Disiplina
Oct 13, 2026
SOTTO LIGTAS SA CONTEMPT SA DESISYON NI LEONEN
Oct 13, 2026
Calendar
Provincial
Kandidato sa pagkakonsehal nakaligtas sa ambush sa Nueva Ecija
Bernard Galang
Apr 29, 2025
554
Views
ISANG kandidato sa pagka-konsehal ng munisipyo ang nakaligtas sa pananambang noong Lunes sa Bgy. San Fernando Norte, Cabiao, Nueva Ecija.
Sa ulat kay PRO3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, kinilala ng Nueva Ecija police ang biktima na si Angelito dela Cruz, 67, tumatakbong konsehal at residente ng Bgy. San Fernando Norte, Cabiao, Nueva Ecija.
Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat na minamaneho ng biktima ang kanyang sasakyan papuntang Bgy. San Fernando Norte, Cabiao, at pagdating sa Jose Abad Santos Ave., dalawang lalaki na sakay ng pulang motorsiklo ang biglang sumulpot at pinaputukan siya ng baril ngunit sumablay.
Nagsasagawa na ng follow up operation ang Cabiao police para matukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek.
Crime incidents sa CL bumaba ng 14.6%
Oct 12, 2026

