Tupad

BPSF pinapurihan ni Romero

Mar Rodriguez May 15, 2024
111 Views

Tupad1Tupad2Tupad3PINAPURIHAN ni 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., ang naging malasakit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. matapos nitong ilunsad ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) na napakinabangan ng 111,000 benepisyaryo sa Zamboanga City.

Ayon kay Romero, chairman ng House Committee on Poverty Alleviation, ipinakita lamang ni Pangulong Marcos, Jr. sa paglulunsad nito ng BPSF na seryoso ang pamahalaan na matulungan ang mga mahihirap na mamamayan sa tulong ng mga programang magbibigay sa kanila ng kaginhawahan.

Sinabi ni Romero na nagkakahalaga ng P580 million ang ipinamahaging cash assistance at iba pang kahalintulad nitong tulong para sa mga benepisyaryo ng Zamboanga City na inaasahang malaki ang maitutulong sa kanilang kabuhayan sa gitna ng kasalukuyang krisis sa bansa.

Pinasalamatan din ni Romero si House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na isa sa mga tagapagtaguyod ng BPSF dahil sa pagsisikap nitong maipamahagi ang tulong ng administrasyong Marcos, Jr.

Ipinaliwanag ni Romero na napakaganda ng layunin ng BPSF sapagkat inilalapit ng nasabing programa ang tulong ng gobyerno sa mamamayan sa pamamagitan ng 417 government services mula sa 47 ahensiya kasama na ang payout ng cash assistance para sa mga mahihirap na Pilipino.

Sabi ng kongresista, inihahatid ng BPSF ang direktang serbisyo mula sa gobyerno patungo sa mga mamamayan. Kung saan, ang mismong pamahalaan ang pupunta sa mga lalawigan para mamahagi ng tulong.

Samantala, inilunsad naman ng 1-PACMAN Party List sa pangunguna ni Congressman Mikee Romero ang programang TUPAD matapos itong mamahagi ng tulong para sa mga residente ng Ponteverda, Capiz. Kabilang na ang iba pang lalawigan na nangangailangan ng financial assistance.