Calendar
EO No. 285 ni Erap pinababasura ni Barbers kay PBBM
HINIHILING ng chairman ng House Committee on Dangerous Drugs at Surigao del Norte 2nd Dist. Cong. Robert Ace “Alas” S. Barbers kay President Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos, Jr. na ibasura ang Executive Order No. 285 na inilabas ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada.
Ipinaliwanag ni Barbers na ang EO No. 285 ay nagpapahintulot sa Bureau of Immigration (BI) na i-covert sa student visas ang tourist visas ng sino mang dayuhan na pumapasok sa Pilipinas.
Binigyang diin ni Barbers na hindi naiiwasan na inaabuso ang kapangyarihang ibinigay sa BI sa pamamagitan ng mga dayuhan na may ibang pakay sa pagpunta nila sa bansa habang ang iba naman sa mga tauhan ng BI ay sinusuhulan para huwag higpitan ang mga dayuhan.
“In today’s setting, this particular power by the BI can be abused. This arbitrary power to convert visas is the worst legalized scheme that can be used by unscrupulous personnel for monetary gain,” sabi ni Barbers.
Sinabi ng kongresista na ang 16,200 student visas na inisyu ng BI sa mga Chinese nationals noong nakaraang taon (2023) ay hindi katanggap tanggap at maituturing na karumal-dumal.
“The 16,200 student visas that the BI granted to Chinese nationals in 2023 is simply unacceptable. Nevermind if other countries grant more, we should never use that as our yardstick given our tense relationship with China,” ayon pa kay Barbers.
Idiin ng kongresista na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang natatanging ahensiya na may tungkulin sa pagbibigay ng visas na pumapasok sa Pilipinas. Mayroon silang “expertise” para ma-determina kung eligible o hindi ang isang aplikante.
Sa ilalim ng EO No. 285 binuo ng nakalipas na Estrada administration ang isang inter-agency committee on foreign students na pinamumunuan ng Commission on Higher Education (CHED), DFA, National Bureau of Investigation (NBI), NICA at Department of Education (DepEd).