Calendar
PBBM pagsusumikapang PH maging tourism powerhouse sa Asya
PAGSUSUMIKAPAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maging tourism powerhouse ang Pilipinas sa Asya.
Sa talumpati ng Pangulong Marcos sa inagurasyon ng Tourist Rest Area sa Pagudpud, Ilocos Norte, sinabi nito na matindi ang kumpetisyon sa larangan ng turismo kung saan ay hindi maitatangging ang mga kalapit bansa ng Pilipinas ay maganda ang performance.
Halimbawa na, ayon sa Pangulo, ang Thailand, Korea, Vietnam at Indonesia.
Dagdag ng Pangulo, sadyang maganda ang Pilipinas subalit kailangan lang na dapat ayusin ang ilang aspeto o bahagi ng turismo sa bansa gaya ng pagkakaroon ng direktang flight sa mga magagandang lugar sa Pilipinas gaya ng Cebu, Bohol, Cagayan de Oro, Tacloban at iba.
“We want to transform the Philippines into the tourism powerhouse in Asia. We are in very stiff competition,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Kasabay nito, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga dayuhan na bisitahin ang Pilipinas dahil tiyak na magagandahan sila sa bansa.
“We hope for that continued support for all the tourism programs across the archipelago, and we will show that not only do Filipinos love the Philippines. but we can tell our foreign friends, guaranteed, you will love the Philippines,” pahayag ni Pangulong Marcos.