Martin Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, katulong sina Governor Yshmael “Mang” Sali at Lone District Rep.Dimszar Sali ang ceremonial turnover ng mga serbisyo at assistance packages mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa paglulunsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Tawi-Tawi Provincial Sports Complex, Department of Education Compound sa Bongao, Tawi-tawi Huwebes ng umaga. Kuha ni VER NOVENO

P700M halaga ng programa, cash aid ipinamahagi sa kauna-unahang Serbisyo Caravan sa BARMM

102 Views

Martin1Martin2Nasa 135,000 benepisyaryo sa Tawi-Tawi ang makatatanggap ng P700 milyong pisong halaga ng serbisyo ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at tulong pinansyal sa dalawang araw na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Tawi-Tawi.

Pinangunahan ni Speaker Ferdinand G. Romualdez ang paglulunsad ng BPSF sa Tawi-Tawi, ang kauna-unahang serbisyo caravan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Ito na ang ika-18 lugar na pinuntahan ng serbisyo caravan at ikapito naman sa Mindanao.

“Natutuwa kami at naabot ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang lalawigan ng Tawi-Tawi dito sa BARMM.

Wala pong mahirap puntahan kung tayo ay nagkakaisa, maging Mindanao man ito o isla sa BARMM,” ani Speaker Romualdez, pinuno ng Kamara na mayroong mahigit na 300 kinatawan.

“Mahal po ng ating Pangulo ang Mindanao, kaya naman sunod-sunod ang pagpunta ng BPSF dito. Pang-pito na ito sa mga lugar na napuntahan natin sa Mindanao, at meron pa tayong nakalinya sa Davao del Norte sa mga susunod na araw,” ayon pa kay Speaker Romualdez.

Nagsilbi bilang local host ng event sina Gov. Yshmael I. Sali at Rep. Dimszar M. Sali.

Umaabot naman sa 95 kinatawan ng Kamara de Representantes ang nakiisa sa BPSF Tawi-Tawi ang pinakamaring kongresista na sumaksi sa festival of services event.

May 40 ahensya ng pamahalaan ang naglaan ng kabuuang 199 serbisyo para sa 135,000 mga benepisyaryo, kung saan may kabuuang P699 milyong halaga ng mga programa ang inilunsad sa loob ng dalawang araw na aktibidad, P319 milyon dito ay bilang cash-assistance.

Nagsilbi rin ang lugar bilang pay-out center ng may 100,000 indibidwal na benepisyaryo ng AICS o nagkakahalaga ng P319 milyon sa buong lalawigan ng Tawi-Tawi.

Bahagi rin ng city-wide activities ang mga scholarship program ng TESDA at CHED, kabilang na ang tulong pangkabuhayan sa iba’t ibang sektor na benepisyaryo mula sa buong lalawigan.

“Naramdaman ng mga mamamayan ng Tawi-Tawi ang kalinga ng pamahalaan. Malayo man ang inyong lalawigan sa sentro ng gobyerno, aabutin kayo ng ating Pangulo. No geographical divide can stop the government from serving its people,” ayon kay Speaker Romualdez.

Huwebes ng hapon, pinangunahan naman ni Speaker Romualdez ang pamamahagi ng 222,100 kilo ng bigas. Ang pamamahagi ng bigas ni Romualdez ang dahilan kung bakit nabansagan itong Mr. Rice.

Sa unang gabi ng Serbisyo Fair, idaraos ang Pagkakaisa Concert na gaganapin sa DepEd Complex Grounds, Bongao kung saan tinatayang may 10,000 ang inaasahang dadalo.

Ilulunsad din sa BPSF Taw-Tawi sa Biyernes ang Start-up, Incentives, Business Opportunity and Livelihood (SIBOL) Program at ang Integrated Scholarship and Incentives for the Youth (ISIP for the Youth) Program.

Ang SIBOL Program na inisyatibo ni Speaker Romualdez ay naglalayong hikayatin ang mga nais na magsimula ng negosyo, ito ay hindi lamang upang maiangat ang kanilang mga kabuhayan mula sa kahirapan, at suporta sa panahon ng krisis sa pamamagitan ng pagbibigay pagkakataon sa mga indibidwal ng pangmatagalang tulong na magpapatatag sa ekonomiya.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang pagsuporta sa mga nagnenegosyo ay nangangailangan ng tulong mula sa pamahalaan, pribadong sektor at iba pang programa na layunin ng palakasin ang paglago ng ekonomiya at pagnenegosyo.

Tatanggap din ng tig-P3,00 ang may kabuuang 5,000 benepisyaryo sa Tawi-Tawi mula sa AICS Program ng DSWD, gayundin ang pamamahagi ng tig-7 kilo ng bigas na gaganapin sa DepEd Culture and Sports Complex sa May 24.

Kabilang din sa inisyatibo ni Spearker Romualdez ang ISIP for the Youth, sa pakikipagtulungan ng mga ahensya ng gobyerno, upang bigyang tulong ang mga mahihirap na mag-aaral na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Layunin ng programa ang bigyan ng kakayahan ang mga kabataang Filipino upang maging katuwang ng bansa sa pagpapaunlad.

May 8,300 mag-aaral sa Tawi-Tawi ang tatanggap ng P2,000 kada anim na buwan sa pamamagitan ng DSWD AICS bilang pambayad sa kanilang matrikula at iba pang gastusin. Tatanggap din ang mga benepisyaryo ng tig-7 kilo ng bigas na gaganapin sa Henry V. Kong Gymnasium, Mindanao State University, Sanga Sanga sa May 24.

Ang mga benepisyaryong mag-aaral ay magiging kabilang din Tulong Dunong Program (TDP) ng CHED na tatanggap ng scholarship/assistance kada semestre ng nagkakahalaga ng P15,000 at bibigyan ng prayoridad para Government Internship Program sa kanilang pagtatapos.