PSC Nasa larawan ang mga kinatawan ng Philippine Sports Commission, Bangsamoro Sports Commission, at Laro’t Saya sa Serbisyo Fair participants para sa Bagong Pilipinas Service Caravan sa Tawi-Tawi.

PSC nagsagawa ng chess, pencak silat demo sa Tawi-Tawi

Robert Andaya May 24, 2024
120 Views
PSC1
Nakisaya si National Master Edmundo Gatus sa kanyang exhibition match sa mga manlalaro mula Tawi-Tawi.
PSC2
Nagbigay ng instructions si pencak silat Coach Aldam Isdam.

BILANG bahagi ng pag-bisita ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Tawi-Tawi para sa inaabangang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, nagsagawa ang Philippine Sports Commission (PSC) ng chess at pencak silat demo sa munisipalidad ng Bongao kamakailan.

“Talaga namang ninanais kong magtungo rito, hindi lamang upang magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng El Niño kundi makita na rin nang personal ang pag-unlad ng pagbabagong nagaganap sa Tawi-Tawi.” pahayag ni President Marcos.

Higit 40 government agencies ang naghatid ng serbisyo sa mga mamamayan ng ika 18th province na bahagi ng one-stop government service fair para sa 120,000 citizens sa Tawi-Tawi.

Kasama sa mga nasabing government agencies ang PSC, na sa pakikipag- tulungan ng Bangsamoro Sports Commission, ay nangakong magbibigay ng mga libreng sports consultation, demonstration, at exhibition matches kabilang ang chess at pencak silat.

Ipinadala ng PSC para sa kanilang “Laro’t Saya sa Serbisyo Fair sa Tawi-Tawi” sina IM Rolando Nolte at NM Edmindo Gatus mula sa National Chess Federation of the Philippines, at Alkhatani Tackong at Islam Aldam mula sa Philsilat Sports Association, Inc.

Bago ang Serbisyo Fair, ang mga kinatawan ni PSC Chairman Richard Bachmann ay nakipag-pulong sa mga piling sports leaders ng Bangsamoro Region para sa pagsusulong ng kanilang mga grassroots initiatives.

Lumahok din ang sa PSC sa Bagong Pilipinas Serbisyo Caravan sa Zamboanga City, na kung saan nagkaroon din ng chess at karate demonstrations.