Ka Buchoy

Comrade Leni, Lihim na Kandidato ng CPP-NPA-NDF?

Ka Buchoy Mar 14, 2022
527 Views

KAILANGANG magbigay ng malinaw na pahayag si Leni Robredo na kaniyang kinukundena ang CPP-NPA-NDF bilang teroristang organisasyon; at dahil diyan ay hindi niya tinatanggap ang anumang suporta – moral o materyal – galing sa anumang ka-alyado nitong Front Organization tulad ng Gabriela, Anakbayan at iba pa.

Nararapat lamang ito alang-alang sa ating mga sundalo, pulis at lahat ng mamamayan na maaaring pagbantaan ng mga teroristang ito. Hindi dapat maging pangulo ang kandidatong nakikipag-sayawan sa pangkat na may layuning pabagsakin ang demokratikong halal na pamahalaan.

Patunay sa lupit at kahayupan ng CPP-NPA-NDF ay ang “Kampanyang Ahos” o Pangalawang Dakilang Kilusan ng Pagtutuwid o Second Great Rectification Movement. Sa pangunguna ni Joma Sison na pinakawalan ni Cory noong 1986 pagkatapos ng EDSA.

Sa nasabing Kampanya daan-daang inosenteng Kadre pati na ang mga kamaganak nito sa Kilusan ang dinakip, pinahirapan at binitay dahil lamang sa hinala na sila’y mga ahente ng pamahalaan o di kaya’y may balak umalsa laban sa liderato ni Joma.

At patuloy pa rin ang pag-gamit nila ng land mine at ang pag-recruit ng mga musmos upang gawing child warriors pati na ang pangongotong sa magsasaka at malilit na kalakal.

Kailan i-kokondena ni Leni ng walang pasubali ang CPP-NPA-NDF, lalo na ang mga Front tulad ng mga maka-komunistang Party List? Naghinintay ng sagot ang ating mga sundalo at pulis, Sampu na ang mga pamilya at naulila dahil sa Karahasang inihasik ng mga teroristang kriminal.

Napag-uusapan na rin lang ang CPP-NPA-NDF ako’y nakikiramay sa pamilya ng napaslang na UP alumnus na si Chad Booc. Bilang isang nagtapos din sa UP na dumaan sa pagka-progresibo nasasayangan ako sa kanyang pagkamatay sa encuentro. Ganunpaman, iyon ang kaniyang piniling landas. Naway malinawan ng isip ang mga natitira pang UP alumni sa Kilusan. Malaking kasalanan iyang pag – recruit ng musmos para Lamang ipakain sa Partido. Huwag kayong pakasangkapan skay Joma na araw-araw ay namumuhay ng marangya sa Netherlands; nagsasawa sa red wine at keso de bola habang kayo ay nagtitiis sa sardinas, bahaw at saging gubat.

Hanggang dito na lang muna mga kasangkayan, kabayan at paisano. Amping kanunay..