Calendar
Magnitude 6.4 lindol yumanig sa Luzon
ISANG lindol na may lakas na magnitude 6.4 ang yumanig sa malaking bahagi ng Luzon umaga ng Lunes.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-5:05 ng umaga.
Ang epicenter nito ay 110 kilometro sa kanluran ng Lubang, Occidental Mindoro at may lalim na 28 kilometro.
Asahan na umano ang mga aftershock sa pagyanig na ito.
Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:
Intensity IV- Lubang, Occidental Mindoro
Intensity III – Nasugbu, Batangas; Tagaytay City, Amadeo, Maragondon, Mendez, at Alfonso sa Cavite; Quezon City; Taguig City; Mandaluyong City; Makati City; Navotas City; Pasig City; Plaridel, Bulacan;
Intensity II – Talisay, Batangas; Palauig, San Felipe, at Castillejos sa Zambales; Malabon City
Intensity I – Parañaque City
Instrumental Intensities:
Intensity III – Calumpit, Bulacan; Guagua, Pampanga; Olongapo; Carmona, at Tagaytay sa Cavite; Calapan, Oriental Mindoro; Navotas City;
Intensity II – Las Piñas City; Marikina City; Muntinlupa City; Quezon City; Pasig City; Baler, Aurora; Malolos, Marilao, Pandi, Plaridel, San Ildefonso, at San Rafael sa Bulacan; Gapan, at Palayan sa Nueva Ecija; Iba, Zambales; Batangas City, at Talisay sa Batangas; Dolores, at Gumaca, Quezon; Puerto Galera, Oriental Mindoro
Intensity I – Parañaque City; Pateros; Dagupan City; Doña Remedios Trinidad, Bulacan; Cabanatuan, at San Jose sa Nueva Ecija; Magalang, Pampanga; City of Tarlac; Los Baños, Laguna; Infanta, Lucban, Mauban, Mulanay, at Polillo sa Quezon; San Jose, Occidental Mindoro; Roxas, Oriental Mindoro; Puerto Princesa; at San Juan City.