ivan

Tatak Marcos: Bataan Nuclear Power Plant

Ivan Samson Mar 15, 2022
356 Views

NOONG Hulyo 1973, ang dating Presidenteng Ferdinand Marcos ay nag-anunsyo ng proyekto upang magtayo ng plantang nuclear (nuclear powerplant) sa ating bansa. Sa ilalim ng Republic Act 2067, inilikha ang Philippine Atomic Energy Commission (PAEC) na naglalayong magbigay-pondo para sa dalawang 620-megawatt nuclear reactor sa Morong, Bataan.

Layunin ni dating Presidenteng Marcos na matugunan ang suliranin na dala ng 1973 oil crisis kung saan ang Middle East ay nag-anunsyo ng oil embargo o ang pagbabawal sa kalakalan ng langis tungo sa ibang bansa. Ang naturang oil embargo ay nagdulot ng pagtaas ng presyo ng krudo at langis sa Pilipinas. Ayon kay Presidente Marcos, ang Bataan Nuclear Powerplant ang solusyon sa krisis na ito at ito rin ang magbibigay sa bansa ng kaukulang supply ng langis ng hindi nag-aangkat sa Middle East.

Ang proyektong ito ay inulan ng napakaraming batikos mula sa oposisyon. Ayon sa mga tutol rito, ang nuclear powerplant ay magsasanhi ng banta laban sa kalusugan at kaligtasan ng mga karatig lugar. Inuugnay nila ito sa lokasyon ng planta na sinasabing nasa “earthquake zone.”

Dahil rito, hindi na naituloy ang paggamit sa nuclear powerplant hanggang sa mga susunod pang administrasyon.

Sa lumalalang krisis sa supply ng kuryente sa ating bansa, ano nga ba ang mga bentahe at pakinabang ng pagkakaroon ng sariling supply ng kuryente sa bansa sa pamamagitan ng isang nuclear powerplant?

Sulit at Epektibo

Kung masusing pagaaralan ang presyo per kilowatthour sa enerhiyang nukleyar ay mas mura kito ng di hamak kumpara sa mga nakasanayang coal o diesel na powerplants. Ang nukleyar na enerhiya ay ang pinakamagandang alternatibong pagkukunan ng kuryente. Dapat lamang ay ang tamang pagpaplano at ang pagpapatakbo nito ng maayos at ligtas.

Sa kabila ng malaking pondo ng kailangan upang magtayo ng isang nuclear powerplant, ito ay hindi nangangailangan ng malaking pondo para sa maintenance. Ibig sabihin, ito ay particular na cost-effective na pagmumulan ng supply ng enerhiya. ayon sap ag-aaral ng EDF Energy, isang kompanyang nagpapatakbo ng mga nuclear powerplant sa UK.

Bukod pa riyan, Karamihan sa mga emisyon ng carbon dioxide (CO2) na nauugnay sa mga istasyon ng nuclear power ay nangyayari sa panahon ng konstruksyon at hindi kapag lumilikha ng kuryente.

Kung naghahanap ang ating bansa ng isang taripa ng enerhiya na mabuti para sa ating planeta at sa mababang halaga, ang enerhiyang nukleyar ay zero carbon.

Bawas sa Carbon Emission ng Bansa

Ayon sa US Department of Energy, pinoprotektahan ng enerhiyang nuklear ang kalidad ng hangin sa pamamagitan ng paggawa ng napakalaking dami ng kuryenteng na walang carbon emission. Sa US, nagsusupply ito ng kuryente sa 28 na estado at nag-aambag sa maraming aplikasyong hindi de-kuryente, mula sa larangang medikal hanggang sa paggalugad sa kalawakan (space exploration).

Bumubuo ito ng halos 800 bilyong kilowatt na oras ng kuryente bawat taon at gumagawa ng higit sa kalahati ng supply ng kuryente sa US. Iniiwasan nito ang higit sa 470 milyong metrikong tonelada ng carbon bawat taon, na katumbas ng pag-alis ng 100 milyong sasakyan sa kalsada.

Ang thermal energy mula sa mga nuclear reactor ay maaari ding gamitin upang i-decarbonize ang iba pang sektor na masinsinang enerhiya tulad ng transportasyon – ang pinakamalaking nag-aambag sa polusyon sa carbon.

Maasahan at Pangmatagalan

Ang mga nuclear power plant ay tumatakbo 24 oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo. Ang mga ito ay idinisenyo upang gumana para sa mas mahabang panahon at mag-refuel bawat 1.5 hanggang 2 taon. Noong 2019, ang mga nuclear plant ay nagpapatakbo nang buong lakas (full power) nang higit sa 92% ng oras – ang pinaka-maaasahang mapagkukunan ng enerhiya sa grid ngayon.

Naglilikha ng Trabaho para sa Mamamayang Pilipino

Sa US, ang industriya ng nuklear ay sumusuporta sa halos kalahating milyong trabaho at nag-aambag ng tinatayang $60 bilyon sa kabuuang produktong domestic ng U.S. bawat taon. Ang mga plantang nuklear ng U.S. ay maaaring gumamit ng hanggang 700 manggagawa. Nag-aambag din sila ng bilyun-bilyong dolyar taun-taon sa mga lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng mga kita sa buwis ng pederal at estado.

Dito sa Pilipinas, ay maaari rin nating matamo ito.

Ilan lamang iyan sa mga kapakinabangan ng naudlot na Bataan Nuclear Powerplant. Kung ito sana ang isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng enerhiya at kuryente ng ating bansa, mas bababa ang bayarin ng sambayanang Pilipino para sa kuryente. Hindi sana tayo nagigipit ng monopoliyang nagdidikta sa presyo ng kuryente kung saan wala tayong ibang pagpipilian kundi sumunod na lamang.

Sa ilalim ng isang administrasyon na epektibo, maaring masusiing pag-aralan muli ang maayos at ligtas na pagpapatakbo ng Bataan Nuclear Powerplant.