Cabatbat

Fuel excise tax suspendihin— solon

Mar Rodriguez Mar 15, 2022
249 Views

HINIHILING ng isang solon ang agarang pagsuspinde sa “fuel excise tax” sa gitna ng walang pakundangan at sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo na lalo umanong nagpapadagdag sa kalbaryo ng publiko.

Sinabi ni MAGSASAKA Rep. Argel Cabatbat na bagama’t mayroong ipinatutupad na “oil subsidy” na inilaan ng pamahalaan para sa mga magsasaka o mga manggagawa sa agrikultura at transportasyon. Kulang parin umano ito upang maibsan ang epekto ng fuel increase.

“Napakaliit po ng limangdaang milyong piso na fuel discount para sa milyong magsasaka, mangingisda at mag-hahayop. Hindi lahat ay naabutan ng tulong,” sabi ng mambabatas.

Pinangangambahan din ng kongresista na sakaling lumubha umano ang gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine ay maaaring magkaroon uli ng panibagong “adjustment” sa presyo ng mga produktong petrolyo na lalo pang magpapadagdag sa hirap ng publiko.

Ipinaliwanag din ni Cabatbat na ang suspensiyon sa “fuel excise tax” ay napapanahon para solusyunan ang lumolong halag ng petrolyo. Dahil kaya aniya nitong tapyasan ang agad ang presyo ng krudo kada litro ng lima hanggang sampung piso.

Binigyand diin nito na marami na sa mangingisda ang hindi na umano pumapalaot dahil sa mataas na presyo ng gasolina. Maging ang mga coconut farmers ay labis na naapektuhan din na gumagamit ng krudo para sa kanilang coco feed at coco fiber.