Magsino

Magsino, nakiisa sa appreciation dinner ng MECO

Mar Rodriguez Jun 19, 2024
109 Views

Magsino1Magsino2𝗡𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝘀𝗶 𝗢𝗙𝗪 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗟𝗶𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝘀𝘀𝗮 “𝗗𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗿” 𝗣. 𝗠𝗮𝗴𝘀𝗶𝗻𝗼 𝘀𝗮 𝗴𝗶𝗻𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗻𝗮 “a𝗽𝗽𝗿𝗲𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 d𝗶𝗻𝗻𝗲𝗿” 𝗻𝗮 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗻𝗴𝘂𝗻𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗘𝗰𝗼𝗻𝗼𝗺𝗶𝗰 𝗮𝗻𝗱 𝗖𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 (𝗠𝗘𝗖𝗢) 𝘀𝗮 𝗧𝗮𝗶𝘄𝗮𝗻 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗮𝗸𝘁𝗶𝗯𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗻𝗮 𝗶𝘀𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘁𝘂𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗵𝗲𝗻𝘀𝗶𝘆𝗮 𝗸𝗮𝘂𝗴𝗻𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗱𝗶𝗿𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗮𝗻.

Bilang kinatawan ng OFW Party List sa Kamara de Representantes, ipinaaabot ni Magsino ang kaniyang lubos at taos pusong pasasalamat para sa lahat ng mga opisyal at kawani ng MECO dahil sa kanilang pagbibigay serbisyo at paglilingkod para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagta-trabaho at naninirahan sa Taiwan.

Sinabi pa ng kongresista na kahanga-hanga ang dedikasyon ng MECO sapagkat nakatutok sila sa kasalukuyang sitwasyon ng mga OFWs sa buong Taiwan.

Ipinahayag pa bi Magsino na nakahanda aniya ang MECO Main Office at Extension Offices nito na tugunan ang mga suliraning kinakaharap ng mga OFWs.

Dagdag pa ni Magsino nasa ngayon ay mayroon naman maayos na koordinasyon sa pagitan ng OFW Party List at MECO. Kaya makatitiyak ang mga OFWs sa Taiwan na mabilis na matutugunan ang kanilang mga pangangailangan.

“Bilang kinatawan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs). Tayo ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga opisyal at kawani ng MECO kabilang na ang kanilang mga attached agencies dahil sa kanilang wagas na paglilingkod at pagbibigay serbisyo para sa ating mga OFWs. Nagpapasalamat tayo sa MECO dahil nakatutok sila sa sitwasyon ng ating mga OFWs dito sa Taiwan,” sabi pa ni Magsino.