Calendar
Batangas, Manila, Davao umarangkada
PATULOY ang pag-arangkada ng Batangas, Manila at Davao sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Batangas City Coliseum kamakailan.
Pinayuko ng Batangas-Tanduay Rum Masters ang Valenzuela Classics, 91-74, sa tampok na laro upang itala ang kanilang ika-11 panalo sa 14 laro sa 29-team,two-division tournament, na itinataguyod ni Sen.Manny Pacquiao sa pakikipagtulungan ni Commissioner Kenneth Duremdes.
Samantala, binigo ng Manila SV Batang Sampaloc ang Pasay City, 90-87, upang umangat sa 11-4 win-loss record, habang tinambakan ng Davao Occidental Tigers ang Abra Weavers, 92-75, para sa 10-4 kartada.
Sa pamamagitan nina Dawn Ochea, Kris Porter, Juneric Baloria at Kris Porter, nadomina ng Batangas ang Valenzuela sa buong laro at lumamaang pa ng 87-67 sa hulinh bahagi ng fourth quarter.
Si Ochea, na napiling “Best Player of the Game”, ay nagtapos na may 18 points, 11 rebounds at three steals.
Sinuportahan ang dating Adamson University player nina Porter, na may 13 points, Baloria, na may 12 points at Ablaza, na may 11 points.
Valenzuela, na pinamunuan nina Fil-Am CJ Payawal and Mark Montuano, ay bumagsak sa 7-8 record.
Si Payawal ay may 25 points at six rebound habang si Montuano ay may 15 points.
Tulad ng Batangas, umarangkada din agad ang Davao at nakakuha ng 64-33 lamang sa the third quarter sa tulong nina Jun Manzo, Kenneth Ighalo, Chris Lalata at Keith Agovida.
Si Manzo ay may 17 points at four assitss, si Ighalo ay may 16 points, si Lalata ay may 12 points at six rebounds, at si Agovida ay may11 points, seven rebounds at four assists.
Ang Abra, na bumaba sa 8-6, ay nakatanggap ng 19 points at 9 rebounds mula kay Mark Yee, 14 points plus five rebounds mula John Lloyd Clemente and 9 points plus 10 rebounds from Mike Canete.
Mas mahigpitan ang naging sagupaan ng Manila at Pasay.
Tabla ang score sa 70 bago nagpakawala ang Manila ng 11 straight points mula sa triple ni Jimboy Pasturan, jumper ni Tonino Gonzaga, and anim na dikit na points ni James Sena upang itakas ang panalo.
Nanguna sa Manila sina Greg Slaughter (21 points, nine rebounds), Sena (14 points), Gonzaga (13 points, six rebounds, four assists at two steals) at Carl Bryan Cruz (11 points, six assists at four rebounds) para kay coach Gabby Severino.
Nalasap ng Pasay ang ikatlongn sunod na talo sa kabuila ng 35-point, 7-rebound, 3-assist effort ni Patrick Sleat.
Tanging si Laurenz Victoria ang nakatulong niSleat sa kanyang 11 points, four rebounds, three assists at two steals.