Magsino

Magsino namahagi ng toolkits para sa mga scholars sa Subic College Inc.

Mar Rodriguez Jun 28, 2024
100 Views

Magsino1Magsino2𝗕𝗔𝗚𝗔𝗠𝗔’𝗧 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗴𝗮𝗹-𝘁𝗮𝗴𝗮𝗹 𝗽𝗮 𝗯𝗮𝗴𝗼 𝘁𝘂𝗹𝘂𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗲𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗺𝗮𝗿𝗮 𝗱𝗲 𝗥𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗮𝗻𝘁𝗲𝘀 𝘀𝘂𝗯𝗮𝗹𝗶𝘁 𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆-𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱 𝗻𝗶 𝗢𝗙𝗪 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗟𝗶𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝘀𝘀𝗮 “𝗗𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗿” 𝗣. 𝗠𝗮𝗴𝘀𝗶𝗻𝗼 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗢𝘃𝗲𝗿𝘀𝗲𝗮𝘀 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗪𝗼𝗿𝗸𝗲𝗿𝘀 (𝗢𝗙𝗪𝘀) 𝗯𝗮𝗴𝗸𝗼𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗱𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗹𝗶𝗯𝗼-𝗹𝗶𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗲𝘀𝘁𝘂𝗱𝘆𝗮𝗻𝘁𝗲 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮’𝘁-𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗴 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮.

Ayon kay Magsino, habang naka-break ang session sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ito naman ang kaniyang pagkakataon para maghatid ng tulong at serbisyo hindi lamang sa mga OFWs at kanilang pamilya, kundi pati na rin sa libo-libong college students sa bansa.

Ganito nga ang ginawa ng kongresista matapos itong mamahagi ng libo-libong toolkits para sa mga scholars ng Subic College Inc. katuwang ang Technic Education Skills and Development Authority (TESDA).

Sabi ni Magsino, ang mga ipinamahagi nilang toolkits ay magagamit ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral sa mga kursong gaya ng Shield Metal Arc Welding (SMAW) NC 1. Isang kurso na nagsasanay ng mga estudyante sa larangan ng technical skills.

“Tuloy-tuloy po ang ating pagsuporya sa mga estudyante para mapabuti ang kanilang training para sa mga technical skills na pinag-aaralan nila. Hindi lang mga OFWs ang ating tinutulungan pati narin ang ating mga mag-aaral,” sabi ni Magsino.