Calendar
Kris malamang umuwi ng Setyembre
NATUTUWA ang mga supporter ni Kris Aquino sa pahayag nito sa interview sa kanya ni Ogie Diaz.
Aniya, malamang na Setyembre ay umuwi siya ng Pilipinas kung walang pagbabago sa kasalukuyang estado ng kanyang kalusugan.
Dinalaw ng vlogger/showbiz columnist ang Queen of All Media sa tinitirhan nito sa Orange County sa California kung saan kasama nito ang bunsong anak na si Bimby at ilang staff.
Pero may pasubali si Kris: “It really depends, kasi may mga pagdadaanan akong mga test (at) isa du’n ‘yung MRI (magnetic resonance imaging) with contrast dye.
“Du’n ako natatakot kasi ‘yun ‘yung test na hihiga ka, papasok ka, tapos mayroong malaking machine na ganu’n (sabay muwestra ng kamay) maingay kahit bigyan ka ng noise cancellation maririnig mo pa rin and you’re there close to one hour, may isu-shoot sa ‘yo na may kulay ‘yung dye tapos sa buong katawan mo dadaan ‘yan.
“May fear ako kasi the last time I had that done was way back 2019. Ang mga allergy nag-e-evolve and in-assure naman ako na kaya ko raw and na-survive ko ‘yun.
“And bago kami umalis ng Pilipinas ng 2022 nakapag-pet scan na ako para malaman kung may cancer ka (and) clear ako du’n kinaya ko naman ‘yung in-inject sa akin nu’ng panahong iyon.
“So, ito ngayon it’s very similar daw ang i-inject at makikita magla-light up ‘yan sa screen kung may mga blockage ‘yung mga vessels and iki-clear that at (kung) kinaya then puwede nang ituloy sa Pilipinas ‘yung treatment sa akin,” pagbabahagi ni Kris.
At bagama’t may mga kailangang gamot siya na wala rito sa Pilipinas, aniya:
“Puwede naman daw (umorder sa ibang bansa). There are three hospitals in the Philippines na puwedeng mag-import nu’ng gamot na the requirement is kailangan ang magbibigay sa akin ay rheumatoid specialist na (ang specialization) ay kagaya ng mga sakit ko.
“Kasi pag auto-immune kasi alam na ng lahat na it can never be cured pero puwede kang mag-remission. In other words, puwedeng mabawasan ‘yung mga symptoms pero forever nandu’n.
“So, it’s either rheumatoid specialist at anesthesiologist or a surgeon na magbibigay ng gamot, so, mahaba pa ang proseso bago ako gumaling.
“So, kung uuwi ako, it could been another one year and a half to two years na ‘yung gamot kailangan patuloy na I’m taking it,” paliwanag ni Kris.
“Kasi right now wala akong panlaban sa ibang mga sakit,” aniya.
“Kailangan pa nilang palakasin ang resistensiya ko and after that sana makauwi na ako because ang tagal ko nang hindi nakikita ang mga kamag-anak ko, very close friends na ilang beses nang lumipad dito para lang samahan ako or para makita ‘yung mga bata or pag nako-confine sila sa hospital, nandoon sila para bantayan ako and I’m very grateful for that.
“I miss home of course, I miss the people and mahirap din na si Kuya Josh nandoon umuwi at bumabalik dito, e, ngayon ayaw nang bumalik, gusto na niya sa Tarlac, doon siya happy.”
Nabanggit ding dapat sana ay nakabalik na ng Pilipinas si Bimby para dumalo sa 3rd death anniversary ni dating Pangulong Noynoy Aquino noong Hunyo 24 pero pina-cancel ni Kris ang biyahe limang oras bago pumunta ng airport ang anak.
“Hindi ko kaya! Kasi ‘yung time na ‘yun (bago umalis sana si Bimby) tatlong treatment ang pinagdaanan ko kaya nanghihina talaga ako and it’s true na ‘yung emotions mo na-affect pag nanghihina ka kaya sabi ko ‘Bimb, hindi ko kayang umalis ka,’” kuwento ni Kris.
Pero kailangan talagang bumalik ni Bimby sa Pilipinas dahil aasikasuhin nito ang interviews sa mga eskuwelahang gusto nitong pasukan.
“Tatlong schools ang pinagpipilian (ni Bimby) but he needs to go for a face-to-face and may mga exam siya to see what aptitude (ability) or kung anong level kasi posibleng ma-accelerate siya and I’m praying for that,” kuwento ni Kris.
Dagdag pa nito, “Naisip ko na dapat mabigyan na siya (Bimby) ng pagkakataon na lumabas with friends o ng mga barkada niya at dapat may freedom na siya.”