Calendar
Ginebra, Alaska never-say-die pa din
HINDI pa tapos ang laban para sa defending champion Barangay Ginebra at Alaska Milk.
Sa harap ng kani-kanilang do-or-die na laban, ipinamalas ng Ginebra at Alaska ang never-say die spirit upang manatiling buhay ang pag-asa sa PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Pinabagsak ng Ginebra ang TNT, 104-92 habang pinayuko ng Alaska ang NLEX, 93-79, upang mai-pwersa ang panibagong sudden death matches sa kani-kanilang quarterfinal pairing.
Nagpasiklab ang dating PBA Best Import winner na si Justin Brownlee para sa Ginebra matapos ma-kumpleto ang kanyang double double na 38 points at 12 rebounds.
Humirit din si Scottie Thompson ng halos triple double na 23 points, 15 rebounds at eight assists para sa Ginebra, na hindi natinag kahit pa halos naubos ang malaking 19-point lead sa second quarter ng sagupaan
Nakapag-ambag naman si Japeth Aguilar ng 21 points para sa Gin King, na nanalo laban sa Tropang Giga sa kauna-unahang pagkakataon simula 2020 Philippine Cup sa Clark bubble
Sumandal ang third-seeded na Tropang Giga kina import Aaron Fuller (22 points, 19 rebounds), Troy Rosario (20 points) at Mikey Williams (19 points)
Samantala, nagsanib pwersa sina Alaska import Mark St. Fort, Jeron Teng at Abu Tratter upang hiyain ng Aces ang twice-to-beat ding Road Warriors
Umiskor si St. Fort ng 17 points bukod pa sa 14 rebounds.
Si Teng ay gumawa ng 16 points at si Tratter ay may 12 points at 10 boards para sa Alaska, na kailangan ding manalo ng dalawang sunod laban sa No. 7 na NLEX sa quarterfinals.
“We did not want this to be our last game,” sabi ni Alaska coach Jeffrey Cariaso sa panayam.
“We’re closer to seeing what could possibly be the end. That in itself is a challenge and a motivation for all of us on its own,” dagdag pa ni Cariaso, na tinutukoy ang naunang pahayag ng Alaska management na lilisan na sa PBA matapos ang 36 years.
Ang bagong NLEX importnna si Cameron Clark ang nanguna para sa Road Warriors sa kanyang 25 points at 16 rebounds.
Si Kevin Alas ay may 17 points at si Don Trollano ay may 12 points para sa Road Warriors ni coach Yeng Guiao.
The scores:
First game
Alaska (93) — Saint Fort 17, Teng 16, Tratter 12, Tolomia 10, DiGregorio 9, Taha 9, Ahanmisi 6, Bulanadi 5, Ilagan 3, Racal 3, Faundo 3, Stockton 0, Adamos 0.
NLEX (79) — Clark 25, Alas 17, Trollano 12, Rosales 7, Paniamogan 5, Quinahan 4, Nieto 3, Chua 2, Ighalo 2, Soyud 2, Miranda 0, Varilla 0
Quarterscores: 12-26, 40-38, 64-55, 93-79.
Second game
Barangay Ginebra (104) – Brownlee 38, Thompson 23, J. Aguilar 21, Tenorio 7, Pinto 6, Standhardinger 6, Chan 3, Caperal 0, Onwubere 0, Devance 0.
TNT (92) — Fuller 22, Rosario 20, M. Williams 19, Pogoy 12, K. Williams 12, Castro 5, Reyes 2, Erram 0, Khobuntin 0, Heruela 0, Montalbo 0, Ganuelas-Rosser 0.
Quarterscores: 28-14; 50-45; 71-70; 104-92.