Calendar
P2.09T na ambag ng PH turismo sa ekonomiya ikinagalak ni Madrona
𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗴𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻 𝗟𝗼𝗻𝗲 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗘𝗹𝗲𝗮𝗻𝗱𝗿𝗼 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 “𝗕𝘂𝗱𝗼𝘆” 𝗙. 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗼𝗻𝗮 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗺𝗮𝗶𝘁𝗮𝗹𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗶𝗻𝗮𝘁𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗮𝗯𝗼𝘁 𝘀𝗮 𝗣𝟮.𝟬𝟵 𝘁𝗿𝗶𝗹𝗹𝗶𝗼𝗻 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗺𝗯𝗮𝗴 𝗻𝗴 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝘁𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝘀𝗮 𝗲𝗸𝗼𝗻𝗼𝗺𝗶𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮 𝗻𝗼𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗹𝗶𝗽𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝘁𝗮𝗼𝗻 (𝟮𝟬𝟮𝟯).
Ayon kay Madrona, mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ang nagbalita sa pamamagitan ng kaniyang talumpati na mas mataas ng 48% ang naging kontribusyon ng turismo ng bansa noong 2023 na isang palatandaan na nagbalik na ang dating sigla ng Philippine tourism.
Sabi ni Madrona, ang 48% na ambag ng turismo ay hamak na mas malaki kumpara sa P1.41 trilyong Tourism Direct Gross Value Added (TDGVA) na naitala noong 2022.
“Ang mga lumabas na datos ay nagpapatunay lamang na ang turismo ang totoong “lifeline” ng ekonomiya ng bansa dahil sa napakalaking kontribusyon na naibibigay nito, bukod pa ang mga trabaho o job creation na pinagmumulan ng turismo,” ani Madrona.
Dagdag ni Madrona na nalagpasan din ng Department of Tourism (DOT) ang 4.8 milyong target na turista noong nakaraang taon matapos pumalo sa 5.45 milyong international tourists ang dumayo sa Pilipinas.
Sinabi din ni Madrona na nasa 2.9 milyong international tourists naman ang dumayo o bumisita sa bansa na naitala mula Enero hanggang Marso ng taong kasalukuyan.
Nauna ng ipinahayag ni Madrona na “Philippine tourism is back in business” matapos maiulat ng DOT na ang naging tourism investment ay umabot ng tinatayang P509 billion noong 2023.
Ayon sa mambabatas, mismong si Tourism Sec. Maria Christina Garcia Frasco ang nagbalita na ang nasabing halaga o amount ay higit na mataas ng 34% kumpara sa natamong tourist investment na nasungkit noong 2022.