Frasco

Mag-asawang Frasco, pinangunahan Gala Night para sa UN Tourism Delegates

Mar Rodriguez Jul 5, 2024
34 Views

Frasco1Frasco2Frasco3𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗻𝗶𝗻𝗮 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗗𝗲𝗽𝘂𝘁𝘆 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗮𝘁 𝗖𝗲𝗯𝘂 𝟱𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗼 “𝗗𝘂𝗸𝗲” 𝗗. 𝗙𝗿𝗮𝘀𝗰𝗼 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘆𝗯𝗮𝗵𝗮𝘆 𝗻𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗶 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗦𝗲𝗰. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗻𝗮 𝗚𝗮𝗿𝗰𝗶𝗮 𝗙𝗿𝗮𝘀𝗰𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗚𝗮𝗹𝗮 𝗡𝗶𝗴𝗵𝘁 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗨𝗻𝗶𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 (𝗨𝗡) 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 d𝗲𝗹𝗲𝗴𝗮𝘁𝗲𝘀 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗯𝘂 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝘀𝗶𝗹𝗯𝗶𝗻𝗴 h𝗼𝘀𝘁.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ng House Deputy Speaker na taos puso at marubdob ang kaniyang suporta para sa Philippine tourism na makikita naman sa samu’t-saring panukalang batas na isinulong nito sa Kamara de Representantes.

Ayon kay Frasco, kabilang sa suportang ibinibigay nito para sa turismo ng bansa ay ang paglalagak ng malaking pondo para sa mga tourism infrastructures katulad ng pagsasa-ayos o pagkukumpuni ng mga kalsada at tulay patungo sa isang partikular na tourist destination.

Sabi ni Frasco, malaki ang naitutulong ng tourism infrastructure projects para lalong mailapit ang mga magagandang tourist destinations sa iba”t-ibang bahagi ng bansa para sa mga lokal at dayuhang turista.

Dagdag pa ng kongresista, malaking kontribusyon ang nai-aambag ng turismo sa ekonomiya at pagkakaroon ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Si Cebu Governor Gwen Garcia, ina ni Sec. Frasco, ang nagsilbing host para nasabing okasyon.

To God be the Glory