Calendar
OFW Party List inilunsad Psychological First Aid Seminar
๐๐ก๐๐๐จ๐ก๐ฆ๐๐ ๐ป๐ด ๐ข๐๐ช ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐ ๐๐ถ๐๐ ๐๐ฟ๐ผ๐๐ฝ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ป๐ด๐๐ป๐ฎ ๐ป๐ด ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ ๐๐ผ๐ป๐ด๐ฟ๐ฒ๐๐๐๐ผ๐บ๐ฎ๐ป ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐๐ฎ “๐๐ฒ๐น ๐ ๐ฎ๐ฟ” ๐ฃ. ๐ ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ป๐ฎ-๐๐ป๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ด “๐ฃ๐๐๐ฐ๐ต๐ผ๐น๐ผ๐ด๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น ๐๐ถ๐ฟ๐๐ ๐๐ถ๐ฑ ๐ฆ๐ฒ๐บ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฟ” ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐๐ฎ๐ณ๐ณ ๐บ๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐ ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐น๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐ ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ด๐ถ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐๐น๐๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ฅ๐ผ๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐น๐๐ฏ ๐ผ๐ณ ๐ฆ๐๐ป๐๐ฎ๐น๐น๐ฒ๐ ๐ฆ๐๐ป๐ฟ๐ถ๐๐ฒ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐น๐ฐ๐๐ผ๐ป ๐ ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐น ๐๐ฒ๐ฎ๐น๐๐ต.
Ayon kay Magsino, ginanap ang nasabing seminar sa OFW Tulong at Serbisyo Center sa Ayala Malls Manila Bay, Diosdado Macapagal Avenue, Paraรฑaque City na naglalayong magkaroon ng training ang mga kasapi ng OFW Party List sa usapin ng mental health.
Nilahukan ang seminar ng tinatayang nasa 28 participants upang turuan ang mga “frontliners” ng OFW Party List ng psychological first aid na magagamit naman nila para sa mga problemado o “distressed” Overseas Filipino Workers (OFWs) kasama na ang kanilang mga pamilya.
Paliwanag ni Magsino, napapanahon ang isinagawang First Aid Seminar bunsod ng lumolobong kaso ng mga OFWs na kasalukuyang dumaranas ng mental health problem para agad na matugunan at masolusyunan ang tinatawag na mental health needs ng mga OFWs.
Sinabi din ni Magsino na kamakallan lamang ay pinadalhan nito ng sulat si Department of Healt (DOH) Sec. Ted Herbosa upang hilingin dito na magbalangkas ng mga programa para matugunan o ma-address ang “mental health needs” ng mga OFWs sa gitna ng nararanasan nilang stress sa kanilang trabaho.
Kasabay nito, ipinahayag din ni Magsino na kasalukuyan nitong pina-iigting ang “inter-agency” system para sa repatriation ng mga psychologicaly distressed OFWs mula sa iba’t-ibang bansa.
To God be the Glory