Madrona

Madrona taos pusong pinasalamatan si PBBM dahil sa suporta ng pamahalaan para sa turismo ng bansa

Mar Rodriguez Jul 9, 2024
86 Views

𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝘀-𝗽𝘂𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘀𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻 𝗟𝗼𝗻𝗲 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗘𝗹𝗲𝗮𝗻𝗱𝗿𝗼 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 “𝗕𝘂𝗱𝗼𝘆” 𝗙. 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗼𝗻𝗮 𝗸𝗮𝘆 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗲𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗱 “𝗕𝗼𝗻𝗴𝗯𝗼𝗻𝗴” 𝗥. 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀, 𝗝𝗿. 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗯𝗶𝗻𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗮𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺𝗼 𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀.

Ayon kay Madrona, napakalaking bagay para sa pag-angat ng Philippine tourism ang mga ipinatayong Tourism Rest Areas (TRA) na isang “pet project” ng administrasyong Marcos, Jr. para muling maibangon ang dating naghihingalong turismo ng bansa bunsod ng ilang taong pananalanta ng COVID-19 pandemic.

Sabi ni Madrona, maituturing na isang napakalaking “factor” at nagkaroon ng napakahalagang papel ang mga TRA para unti-unting umalagwa ang turismo ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagdagsa ng milyon-milyong dayuhang turista na nagpasok ng malaking ganansiya o kita sa kaban ng pamahalaan.

Paliwanag pa ng kongresista, habang tumatagal ay mas lalo pa aniyang nadadagdagan ang mga ipinatatayong TRA na isang positibong senyales na maganda ang kinabukasan ng Philippine tourism. Isa na dito ang kauna-unahang TRA sa North Luzon o sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Sinabi pa ni Madrona na ang mga ipinatayong TRA ng administrasyon ay isang pagpapatotoo o testamento ng solidong suporta ni Pangulong Marcos, Jr. sa turismo ng bansa na magbibigay ng malaking pakinabang sa ating ekonomiya.

To God be the Glory