Chiz

Chiz di mamamagitan kina Alan, Nancy: Beterano na sila

97 Views

KALMA lang.”

Ito ang payo ni Senate President Francis Chiz Escudero sa gitna ng bakbakan at palitan ng mga patutsada sa magkabilang panig nina Senadora Ma. Lourdes Nancy Binay and Sen. Alan Peter Cayetano matapos magsampa ng pormal na reklamo at kaso si Binay laban sa huli kung saan ay iniakyat na ang reklamo sa ethics committee kamakailan.

Sa ginanap na press conference, July 9, 2024, sinabi ni Escudero na wala talagang intensyon ang Senado na makipagtalaktakan sa kontrobersiyal na New Senate Building kundi nais lamang aniya nilang busisiin kung bakit lomobo ito ng todo todo at anong magagawa pa upang makapag tipid ng kahit papaano.

Hindi aniya tamang mamagitan siya kina Binay at Cayetano sapagkat pareho naman aniya mga beterano na ang mga ito at alam aniya nila kung ano ang mga inaasahang sa kanila ng taumbayan bilang mga nahalal na senador.

“Mga beterano na sila pareho sa Senado. Bagamat ang intensyon natin talaga sa New Senate Building ay para pag-aralan kung paano natin ito mapapababa at kung anong hakbangin ang dapat natin gawin para isakatuparan ito, karapatan ng bawat senador na sumagot at ilahad ang kaniyang katuwiran at paniniwala na dapat irespeto na bawat isa sa amin.” ani Escudero.

Kinumpirma rin ni Escudero na iniakyat na nga sa Senate Committee on Ethics and Privileges na pinamumunuan ni Senator Francis Tolentino ang reklamo ni Binay laban kay Cayetano dulot ng sigalot na nangyari kamakailan lamang.

“Sa regular na pamamaraan, nasa desisyon na ni Sen. Tolentino bilang chairman kung anong hakbangin ang kanyang gagawin. Kung susubukan ba niyang pagkasunduin muna sina Sen. Binay at Sen. Cayetano sa isang pribadong pamamaraan na sila sila lamang o kung nanaisin naman niyang isa publiko ang magiging usapan sa bagay na ito. Ito ay nasa kamay na ni Sen. Tolentino.

Bagamat gusto talaga natin na ayusin ito ng mahinahon na pamamaraan,” paliwanag rin Escudero.

Sa isang panayam, sinabi ni Tolentino na nakarating na sa kanyang komite ang reklamong isinampa ni Binay ngunit wala pa aniya siyang magawa sa kasalukuyan dahil kulang pa ang miyembro nila para dinggin ang naturang reklamo laban kay Cayetano.

Sinabi rin ni Tolentino na magsasagawa muna siya ng isang pamamaraan upang makapag usap muna ng maayos ang dalawang kampo sa mahinahon na pagpapalitan ng katuwiran ngunit hanggat maari aniya ay gagawin nila itong pribado.

Sakaling hindi maayos aniya, ay saka nila itong pagpapasiyahan bilang isang komite na may kumpletong miyembro upang talakayin kung anong mga reklamo at kasagutan ang dapat nilang gawin para maresolba ang naturang isyu sa pagitan ng dalawang senador.

Matatandaan na nuong nakaraang July 8, pormal na naghain ng reklamo si Binay sa Ethics Committee laban kay Cayetano matapos umanong tawagin ng huli ang senadora ng Maritess na ang ibig ipahiwatig ay tsismosa at akusahan din umano siyang nagmamaniobra ng mga tanong mga ilan personalidad sa media upang mapasama si Cayetano.

Sa gitna na palitan ng maaanghang na salita nina Cayetano at Binay ay binigkas din ang salitang “nabuwang ka na day” ng senador mula sa Taguig, matapos na mag walk out ang senadora sa pagdinig.

Sa inihain ni Binay, binanggit nito ang mga sumusunod na paglabag ni Cayetano.

“The need for the Ethics Committee to hold Cayetano “accountable and liable for all of his unparliamentary conduct which are in violation of the Rules of the Senate, the Revised Penal Code, the Civil Code and Employees, and Civil Service regulations.”

“And corollary to this, that the appropriate sanctions and penalties be imposed upon him, commensurate to the gravity of his offenses,” Binay stressed in the 15-paged document. The respondent’s act of uttering defamatory words against me as well as his intimidating and deceptive behavior towards the officials and employees of the DPWH (Department of Public Works and Highways) when he was presiding over the public hearing constitute conduct unbecoming of a public officer and conduct prejudicial to the best interest of the service,” ani Binay sa inihain na reklamo.

“He failed to respect the rights of others as well as to act with justness and sincerity,” dagdag pa ng senadora.

Para naman kay Cayetano, may posibilidad din aniya siyang magsampa ng reklamo kay Binay matapos itong dumalo na lamang sa kanyang pagdinig kahit hindi ito miyembro at nangulo pa ito na naging sanhi ng pagpapalitan ng kanilang diskusyon sa gitna ng pagdinig.

Iginiit ni Cayetano na walang ibang nagbigay ng malisya kundi si Binay mismo dahil maliwanag naman aniyang nais lamang nilang rebyuhin at pag aralan kung paano mapapababa ang kasalukuyan gastusin sa NSB na masyado na aniyang lomobo at hindi na makatuwiran ang presyo lalo’t pera aniya ito ng taumbayan.

“Ang isyu ay yung P23B or kung sa tingin niya ay P21B. Kailangan namin himayin ito kung saan napunta at tungkulin natin na tiyakin ang isang masusi at makatotohang pagsusuri ng proyekto upang magawa ang isang “iconic at functional” na gusali sa mataas na kalidad ngunit sa tamang halaga. Yun lang naman ang dahilan ng hearing natin. Bakit niya tayo nililito?” tanong ni Cayetano.

Para kay Binay, hindi aniya dapat niyang palagpasin ang ganitong mga pang iinsulto ni Cayetano lalo’t nagdulot ito ng matinding trauma sa kanyang mga anak, pamangkin at buong kaanak sa panahon na inimbestigahan ni Cayetano ang Makati Parking area na kumaladkad sa pangalan ng kanyang ama na si Vice President Jejomar Binay at kapatid na si dating Mayor Junjun Binay.

“ Nanay ako, magulang ako. Kailangan kong protektahan din yung mga anak ko na ayoko na pag bumalik sila sa eskwelahan may magsasabi sa kanila na yung nanay mo pala sira ulo dahil tinawag ni Sen. Cayetano na buang ” pagtatapos nito.

Sinagot naman ito ni Cayetano sa pagsabing, “Ako gusto ko lang ilabas ang tamang pondo. Ako mananatili focus at kalmado dahil desidido po tayong na manatili sa pag usad nito ngunit sa makatotohanan na pamamaraan. Walang ano pa man.”