BBM Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa inagurasyon ng Mariveles-Hermosa-San Jose 500 kilo volt transmission line.

500 kV Mariveles-Hermosa-San Jose Transmission Line binuksan ni PBBM

Chona Yu Jul 12, 2024
97 Views

BBM1PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbubukas sa Mariveles-Hermosa-San Jose 500 kilovolts (kV) Transmission Line sa Bataan.

Nasa 59 milyong mga kabahayan ang makikinabang sa pagsisimula ng operasyon ng bagong transmission line.

Ayon kay Pangulong Marcos, milestone project ito ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Kasama sa P20.94 bilyong Energy Project ng National Significance (EPNS) ang 395 transmission towers, 275.6 circuit kilometers of overhead lines, dalawang bagong substations at total substation capacity ng 2,000 megavolt-amperes (MVA).

Sinabi naman ni NGCP President Anthony Almeda, may kakayahang makapag- transmit ng 8,000 megawatt power mula sa planta ng kuryente sa Bataan at Zambales.

Saklaw ani Almeda ng mabibigyang serbisyo ng binuksang Mariveles-Hermosa-San Jose Transmission Line ang power consumers sa Luzon.

Sa harap nito ay tiniyak ni Almeda na marami pang gagawing big-ticket projects ang NGCP na aniyay makakatulong sa pamahalaan at pag- akyat ng ekonomiya ng bansa.

Nagpaabot din naman ng pasasalamat si Almeda kay Pangulong Marcos sa commitment na ipinapakita nito upang mapaunlad pa ang imprastraktura sa bansa.

Bukod sa kabubukas ngayong Mariveles-Hermosa-San Jose 500kV line ay nauna na ding binuksan ang big-ticket projects ng NGCP gaya ng Mindanao-Visayas Interconnection, Cebu-Negros-Panay 230kV Interconnection at iba pa.

“Commitment to excellence has always been part of NGCP’s DNA, and we will continue to strive harder, along with the support of our national government, in bringing better service for all Filipinos,” pahayag ni Alameda.