PBBM

Inilaan ni PBBM para sa CAR infra project aabot ng P2B

Chona Yu Jul 20, 2024
98 Views

AABOT sa P2 bilyong pondo ang inilaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa infrastracture projects sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa Apayao, sinabi nito na gagamitin ang pondo para sa mga malalaking proyektong pang-imprastraktura.

Isa sa mga proyekto, ayon kay Pangulong Marcos, ang Marimay Earthfill Dam na nagkakahalaga ng P238.68 milyon.

Nasa 36 porsyento na ang konstruksyon ng proyekto at matatapos sa Hunyo 2025.

Matatapos na rin sa Enero 2025 ang Piddig-Carasi-Calanasan Road na nagkakahalaga ng P220 milyon.

Naka-desenyo ang proyekto para sa connectivity mula Calanasan, Apayao hanggang Piddig at Carasi, Ilocos Norte.

Ayon kay Pangulong Marcos, puspusan din ang konstruksyon ng Apayao Sports Convention Center sa Luna, Apayao na nagkakahalaga ng P1.3 bilyon.

Binubuo ang proyekto ng Sports Complex Building, powerhouse, parking lot, fire pump at fire storage tank facility systems, lighting system at iba pang building features.

Inaasahang matatapos ang proyekto sa 2028.